Bismillǎh, Alḥamdulillǎh, Waṣṣalaatu Wassalaamu ‘Alaa Rasoolillǎh…
Bagama’t alam nating lahat na ang ibig sabihin ng pananampalataya sa wikang arabik ay Eemān. Ito ay ang lubos na paniniwala na ang Allǎh (سبحانه وتعالى) ang nag-iisang tunay na Diyos. Siya ang tanging namamahala, nagmamay-ari at lumikha sa sangkatauhan at sanlibutan. Siya lamang ang karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba.
Ang pananampalataya sa pagkakaroon ng Allǎh (سبحانه وتعالى) ay naaangkop ang apat na bagay tulad ng mga sumusunod:
- Ang Fiṭrah: ang ibig sabihin nito ay likas na naniniwala sa kaisahan ng Diyos, kaya ang lahat ng nilalang ay kusang nilikha sa kanya ang paghahanap at paniniwala sa kaisahan ng Diyos.
- Ang Kaisipan: ang tao ay naniniwala na ang lahat ng nilikha ay mayroong lumikha sapagkat hindi magkakaroon ang isang may hininga na siya mismo ang lumikha sa kanyang sarili, at hindi rin maaari na ito ay bigla na lamang magkakaroon, kaya kung may nilikha ay may lumikha.
- Ang Batas: ang lahat ng kasulatang pangkalangitan ay nagsasabi hinggil sa kaisahan ng Diyos, at ang mga naihahatid ng mga Propeta o Sugo ay pawang nasa tamang pananalig na naglilinis ng kalooban ng mga tao, kaya ang lahat ng mga ito ay nagpapatunay na nagmula sa nag-iisang tunay na Diyos.
- Ang Pakiramdam: lahat tayo ay nakakasaksi sa mga katuparan ng kahilingan ng taong humihiling, at ng mga taong humihiling para sa ikagagaan ng kanilang kalooban, kaya ito ay nagpapatunay na mayroong nag-iisang tunay na Diyos.
Sa makatuwid, ang mga Propeta ay binigyan sila ng Mu’jizāt (mga himala) at ito ay tunay na nasaksihan ng mga tao.
Si Propeta Moises ‘Alayhis Salām (sumakanya ang kapayapaan) nang kanyang hampasin ang dagat at ito ay nahati; Si Propeta Hesus ‘Alayhis Salām (sumakanya ang kapayapaan) ay bumuhay ng patay sa kapahintulutan ng Allǎh (سبحانه وتعالى); At si Propeta Muḥammad (صلى الله عليه وسلم) nang kanyang ituro ang buwan at ito ay nahati.