Ang bawat papuri ay para sa Allah (SWT), Siya lamang ang karapat-dapat nating purihin, Siya lamang ang hinihingian natin ng tulong, tayo’y magpapakopkop sa Allah (SWT) laban sa kasamaan ng ating mga sarili at laban sa kasamaan n gating mga gawain, ang sinuman ang patnubayan ng Allah (SWT) ay walang makakaligaw sa kanya at ang sinuman ang tatanggi mula sa patnubay ng Allah (SWT) ay walang makakapatnubay sa kanya.
Ang pananampalataya sa mga Anghel ay ang lubos na paniniwala na ang Allah (SWT) ay mayroong mga Anghel. Nilikha ng Allah (SWT) ang mga Anghel mula sa liwanag at inatasan Niya silang lahat ng gawaing dapat nilang gampanana at binigyan Niya silang lahat ng ganap na kakayahan para sumunod sa Kanyang mga ipinag-utos.
Ang mga Anghel ay may sariling daigdig na hindi natin nakikita, silang lahat ay sumusunod at sumasamba lamang sa Allah (SWT), wala sa kanila ang katangian ng pagiging diyos kahit na kaunti sapagkat silang lahat ay mga nilikha ng Allah (SWT).
Ang mga Anghel ay napakarami ang bilang nila at walang nakakaalam nito maliban lamang sa Allah (SWT). Napatunayan sa isang kasaysayan ng pag-akyat ni Propeta Muhammad (SAW) sa mga kaantasan ng langit na tinatawag na Al-Mi’rajj, kung saan ay nang makarating ang Propeta sa ikapitong antas ng langit sa Baytul Ma’moor ay ipinagbigay alam sa kanya ni Anghel Gabriel (Jibreel) na ang mga Anghel na nagdarasal nila sa Baytul Ma’moor ay umabot ng pitumpung libo sa isang araw, na kapag sila ay lumabas ay hindi na sila bumabalik muli, iyon na ang una at huling pasok nila.
Ang pananampalataya sa mga Anghel ay naaangkop ang apat na bagay:
- Ang paniniwala na mayroong mga Anghel.
- Ang paniniwala sa sinumang napag-alaman natin na kanilang mga pangalan o hindi napag-alaman.
- Ang paniniwala sa sinumang napag-alaman natin na kanilang kaanyuan katulad ni Anghel Gabriel.
- Ang paniniwala sa anumang napag-alaman natin na kanilang mga gawain o ginagampanan ayon sa kautusan ng Allah (SWT) sa kanila.
Narito ang ilan sa napag-alaman natin na mga gawain ng ilan sa mga Anghel:
- Si Jibreel, siya ang naatasan sa mga rebelasyon ng Allah (SWT) para sa mga Propeta at Sugo.
- Si Meekaeel, siya ang naatasan sa ulan at mga pananim.
- Si Israafeel, siya ang naatasan sa pag-ihip ng trumpeta kapag dumating na ang takdang oras nito at sa pagka-buhay na muli.
- Si Malakal Mawt, siya ang naatasa sa paghugot ng mga kaluluwa sa takdang oras ng kamatayan.
- Si Maalik, siya ang naatasan bilang tagapagbantay sa Impiyerno.
- Si Ridwaan, siya ang naatasan bilang tagapagbantay sa Paraiso.
- Mayroong mga Angehel na naatasan bilang tagapagtanong sa libingan ng tao.
- Mayroong mga Anghel na naatasan bilang tagapangalaga sa mga gawain at mga salita ng mga tao at isinusulat nila ito. Bawat tao ay mayrong dalawang Anghel, isa sa bandang kanan bilang tagasulat ng mga kabutihan, at isa naman sa bandang kaliwa bilang tagasulat ng mga kasamaan.
Sinabi ng Allah (SWT) sa banal nA Qur’an:
وَإِنَّ عَلَيْكُمْ لَحَافِظِينَ. كِرَامًا كَاتِبِينَ. يَعْلَمُونَ مَا تَفْعَلُونَ
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “At katotohanan na mayroong nagbabantay sa inyo (na mga Anghel). Mararangal (na mga Anghel) na nagtatala (ng inyong mga gawa). Alam nila ang anumang inyong ginagawa.” (Surah Al-Infitaar 82:10-12)