Bismillahir Raḥmānir Raḥeem
Libo-libong taon na ang nakakaraan ang pag-aayuno ay dati na sa mga karamihang mamamayan sa Mundo, ito kadalasan ang natural na pamamaraan ng pagpapagaling ng mga sakit. Bagama’t batid natin ang isinulat ng mga nakakatandang Greeks hinggil sa mga kahalagahan ng pag-aayuno sa pamamagitan ng sinaunang manuskripto na matatagpuan sa mga Museo. Noong unang panahon ay batid nating itinatagubilin ng mga manggagamot ang tungkol sa pag-aayuno tulad nila: Socrates, Aflatoon, Aristotle at Galileo kung saan ay tinitiyak nila na ang pag-aayuno ay isang natural na paraan ng pagpapagaling ng mga sakit.
Narito ang himala ng banal na Qur’ân kung saan ay naglathala tungkol sa pagkakaroon ng pag-aayuno sa mga naunang mamamayan bago paman lumitaw ang Islām, sabi ng Allǎh: “O kayong mga nananampalataya! Iniatas sa inyo ang pag-aayuno katulad ng pag-atas sa mga nauna sa inyo upang kayo ay magkaroon ng ganap na pagkatakot” (Al-Baqarah 2:183). Ang Allǎh ay hindi naghahayag ng anumang bagay sa Kanyang mga alipin maliban sa ito ay mayroong kabutihan at pakinabang para sa kanila.
Napagtanto sa banal na Qur’ân ang kahalagahan at pakinabang ng pag-aayuno, kaya’t obligadong ipinag-utos ang pag-aayuno sa mga Muslim. Ang makamodernong manggagamot ay isa sa kanilang panawagan ang pag-aayuno matapos nilang madiskubre ang kahanga-hangang mga resulta na kung saan ito ay kakaibang Armas ng tao laban sa pagkakaroon ng ibat-bang uri ng sakit.
Matatagpuan sa ilang website sa internet at sa mga magazine ang kabuoan nito tungkol sa pag-aayuno, halimbawa sa website ng pag-aayuno: Sultan Guide to Arabic Islamic Sites. Ang gamot sa karamihan sa mga sakit ay nasa sa atin, kaya’t sa panahong ito ay tinitiyak ng lahat ng mga manggagamot na ang pag-aayuno ay isang mahalagang pangangailangan ng tao kahit na siya’y may malusog na pangangatawan, sapagkat ang mga toxins ay naiipon habang ang tao ay nabubuhay at hindi ito natatanggal maliban sa pag-aayuno o pagtigil sa pagkain at pag-inom. Sinabi ng isa sa mga manggagamot: pumapasok sa katawan ng bawat isa sa atin mula sa tubig lamang ay humigit sa dalawang daang kilograms na mga metal at mga toxins!! Ang bawat isa sa atin ay lumalanghap ng hangin na kumukunsumo ng ilang kilogram na mga toxins at ito ay marumi tulad ng mga carbon oxides, pulbura at puspuro.
Kaya, isipin natin kung ilan ang nakukunsumo ng tao na mga metal na hindi kayang sipsipin o kaya’y pakinabangan ng katawan, bagkus ito ay isang mabigat na pasaning magdudulot sa tao ng kalumbayan at kahinaan pati sa kaguluhan ng isip. Sa ibang salita, ang mga toxins na ito ay nagdudulot ng negatibo sa katawan ng tao at sa kanyang sarili, na maaaring siyang nakatagong dahilan ng mga talamak na sakit na hindi nakikita ng manggagamot, subalit ano ang solusyon?
Ang pinakamabuting solusyon sa pagtanggal ng mga naipon na toxins na ito sa cells ng tao ay ang pag-aayuno sapagkat inaayos at nililinis nito ang cells, at ang pinakamainam na pag-aayuno ay yaong may sistema. Kaya tayo ay nag-aayuno ng isang buwan sa bawat taon at sinusunod natin mabuti ang sistema nito upang sa gayon ay matanggal sa pamamagitan nito ang iba’t ibang mga toxins sa ating katawan.
Babanggitin natin ang ilan sa mga kahalagahan ng pag-aayuno na binabalewala ng karamihan sa mga tao:
Ang pag-aayuno ay ang pinakamakapangyarihang Armas ng sikolohikal na karamdaman!
Kabilang sa aking napansin na kakaibang bagay sa pag-aayuno ay ang kakayahan nito sa pagpapagaling ng sikolohikal na karamdaman tulad ng skisoprenya!! Sapagkat ang pag-aayuno ay nakapagpapahinga ng isipan, kasabay nito na nililinis ang mga cells ng katawan mula sa mga toxins, kaya ito ay nagbibigay ng kapanatagan sa sarili para sa nag-aayuno.
Si Dr. Yuri Nikolayev isang unit manager ng pag-aayuno sa Moscow Institute ng sikolohikal ay nagamutan niya ang humigit pitong libong mga may sakit sa isip sa pamamagitan ng pag-aayuno, kung saan ay tinanggap ng mga pasyente ang gamot na pag-aayuno matapos mabigo ang mga iba’t ibang paraan ng paggamot, at ang karamihan sa mga naging resulta nito ay kahanga-hanga at tagumpay! kaya itinuring niya na ang pag-aayuno ay isang matagumpay na gamot sa maraming mga talamak na sakit tulad ng sakit na skisoprenya, depresyon, pagkabalisa at pagkabigo.
Isa sa mga medikal magazine ng Japan, kinumpirma sa pag-aaral dito na ang pag-aayuno ay pinapabuti nito ang ating kakayahan sa sarili at pagharap sa mga kahirapan ng buhay, dagdag dito ay ang kakayahan upang harapin ang paulit-ulit na kabiguan. At sa kasalukuyan natin ngayon na lubos ng pagkakaroon ng kabiguan ay matatagpuan natin ang ipiktibong gamot upang sugpuin ang panganib! Ang pag-aayuno ay nagpapabuti ng tulog at nagpapakalma ng pag-iisip.
Sa panimulang pag-aayuno ay nag-uumpisa ang dugo sa pagtanggal ng mga maruruming nakakalason hanggang sa ito ay magiging mas malinis, at kapag umabot na ang dugo sa utak ay nililinis din nito kaya nagkakaroon tayo ng utak na higit na may kakayahan sa pag-iisip at lakas, sa ibang salita ay higit na may kapanatagan sa sarili.
Isang Armas laban sa taba, timbang at bigat!
Sa sandaling pagsisimula ng tao sa pag-aayuno ay ang mga mahihinang cells o mga nakakasira sa katawan ay nagiging pagkain ng katawan sang-ayon sa kasabihan: na ang pinakamahina ay nagiging pagkain ng pinakamalakas, kung kaya’t tinutunaw ng katawan ang mga nakaimbak na mga mapanganib na taba, at tinatanggal ang mga toxins. At tinitiyak ng mga tagapagpananaliksik na ang pinakamataas na antas ng operasyon ay sa pamamagitan ng ganap na pag-aayuno, ibig sabihin ay pagtitiis sa pagkain at pag-inom, sa madaling salita ay ang pag-aayuno sa Islâm, kaya isipin natin ang kadakilaan ng pag-aayuno at ang mga kahalagahang naidudulot nito sa atin.
Mayroong humigit 60% na mga Amerikano na sumubra ang bigat ng kanilang timbang sa natural na hangganan! Kung saan ay gumastos ang gobyerno ng 117 bilyong dolyar noong taong 2002. Dagdag pa dito ang 300 libong namamatay taon-taon dahil sa problemang subrang bigat ng timbang na siyang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng sakit na dyabetis, mga sakit sa puso, pamamaga ng mga kasukasuan, mga problema sa paghinga, pagkabagabag ng kaisipan tulad ng depresyon at lahat ng mga mapanganib na sakit na direktang may koneksyon sa katawan.
Hindi nakakapagtataka na ang pag-aayuno ay isang matagumpay na Armas laban sa labis na katabaan at sa anumang naidudulot nito na mga sakit, kaya kung kanilang isagawa lamang ang panuntunan ng pag-aayuno sa Islâm ay higit na makakatipid sila ng salapi, sakit at paghihirap.
Ang pag-aayuno: Ito ba ay pumipigil sa sekswal na pagnanasa?
Ang produksyon ng harmon sekswal ay halos hindi umiiral sa panahon ng pag-aayuno, at ito ang nabanggit sa atin ng ating mahal na Propeta (pbh), sinabi niya: “… at ang sinumang walang kakayahan (pangangailangan sa kasal) ay nararapat sa kanya na mag-ayuno sapagkat ito ay isang pamamaraan upang mapigilan ang kanyang makamundong pagnanasa.” Ito ay isang matalinghagang salita bilang operasyon upang bumaba ang gana sa pagnanasa ng nag-aayuno dahil sa pagbaba ng kanyang harmon sekswal pati na rin sa mga makamundong bagay.
Ang pag-aayuno ay nakapagpapahaba ng buhay!
Ang pag-aayuno ay nakapagpapahaba ng buhay! Bagama’t lumitaw ang mga ekspiryensya na ang pagsasanay ng pag-aayuno sa mga hayop ay nakakadagdag ng kanilang pananatili o buhay!. At matatagpuan din natin ang daan-daang mga aklat na sinulat ng mga hindi mga Muslim, tinitiyak nilang lahat na may relasyon ang pag-aayuno sa pagtagal ng edad, at tinitiyak din ng karamihan sa mga may kaalaman na ang pag-aayuno ang higit na mainam na paraan upang kontrolin ang katawan sa paraang maayos at malusog.
Ang laging paglilinis ng cells sa pamamagitan ng pag-aayuno ay umaakay upang pahabain ang edad ng cells na ito kaya tumatagal ang pagtanda ng sinumang sumusunod sa sistema ng pag-aayuno. Ang pag-aayuno ay isang paraan upang baguhin ang cells ng katawan sa paraang maayos at walang panganib.
Ang pag-aayuno ay higit na nagbibigay ng enerhiya sa katawan!
Humigit 1/10 na enerhiya ng katawan ang nakukunsumo dahil sa pagngunguya at pagtunaw sa mga pagkain at inumin na ating kinakain o iniinom, at ang bilang na ito ay nadadagdagan pa buhat sa pagkadagdag ng mga kinakain o iniinom, kaya ang pag-aayuno ay nagbibigay ng enerhiya at bagama’t nararamdaman ng tao ang kasiyahan at kaangkupan. At ang enerhiya na ito ay siyang ginagamit bilang operasyon upang alisin ang mga toxins ng katawan at linisin ang mga marurumi nito, at tinitiyak ng mga tagapagpananaliksik sa ngayon na ang antas ng enerhiya ng nag-aayuno ay tumataas tungo sa pinakamataas na limitasyon!!!.
Ang pag-aayuno ay kapaki-pakinabang pati sa mga gumagamit ng druga at sigarilyo
Ang pag-aayuno ay nagbibigay ng mahusay na mga resulta para sa mga gumagamit ng druga sapagkat malaking pagbaba ng kanilang gana sa paggamit ng druga! Subhāna-Allǎh! O Panginoon ng mga nilalang! Pati sa Iyong mga alipin na sumusuway at nalilihis sa tamang landas, ginawa Mo ang pag-aayuno na may pakinabang at kahalagahan para sa kanila. Kaya mayroon pa bang higit na pinakamalawak ang pang-unawa kaysa sa Allǎh?
Ang pag-aayuno ay nakakatulong sa pag-iwas sa paninigarilyo! Sapagkat ito ay umaandar sa katawan ng tao na parang nakatagong Armas na kung saan ay hindi nakikita na pinatatalsik niya ang mga nakakalason tulad ng nikotina, kasabay nito ay nililinis ang dugo kaya mabilis ang pagbaba ng pagkahilig sa sigarilyo.
Ang pag-aayuno ay gamot sa mga hapdi sa buto
Kabilang sa mga kakaibang bagay sa pag-aayuno, ito ay nakakatulong sa paggamot ng mga hapti sa likod, gulugod at leeg. Nilinaw sa pag-aaral ng Norwegian na ang pag-aayuno ay isang mahusay na gamot para sa sakit sa buto sa kondisyong ipagpatuloy ang pag-aayuno ng apat na linggo (isipin n’yo mga kapatid ang tagal na itinalaga at ito ay malamang isang buwan na pag-aayuno sa Ramaḍān)!
Gamot sa mga sakit sa digestive system
Ilan sa mga taong may sakit na constipation at sila’y marami nang nainom na mga gamot subalit walang anumang pakinabang, kung susubukan sana nila ang pag-aayuno ay matatagpuan nila ang mabilis na pagpapabuti ng kanilang karamdaman inshâ-Allǎh. Ganon din ang mga talamak na sakit sa digestive system maaaring pag-aayuno ang solusyon na gamot nito. Ganon din ang sakit na kolaitis at talamak na pamamaga ng bituka. Tinitiyak ng mga tagapagpananaliksik ang 85% na mga sakit ay nag-uumpisa sa kolaitis na hindi malinis at kontaminadong dugo.
Mahabang listahan ng mga sakit na nagagamutan ng pag-aayuno!
Napatunayan sa makamodernong pag-aaral na mayroong libo-libong mga pasyente, na isinagawa sa lugar ng hindi mga Muslim, ang pag-aayuno ay epektibong nakapagpapagaling ng maraming mga sakit tulad ng:
- Mataas ang presyur ng dugo, nagagamutan ng pag-aayuno.
- Mga may sakit na dyabetis, hindi nakakasama sa kanila ang pag-aayuno bagkus nakakatulong pa ito sa kanilang pagpapagaling.
- Ang pag-aayuno ay isang mabuting paraang nagpapagaling ng hika at ng mga sakit sa paghinga.
- 4. Mga sakit sa puso at sa paninigas ng mga arterya.
- Mga sakit sa atay, anumang uri nito ay nagagamot ng pag-aayuno nang walang negatibong epekto.
- Mga sakit sa balat at sakit na eczema.
- Proteksyon sa sakit sa bato.
- Gamot sa mga nakamamatay na sakit tulad ng cancer.
- Ang pag-aayuno ay itinuturing bilang pangunahing Armas na pangontra sa mga sakit.
Pampropetang himala!
Katotohanang ang Sugo ng Allǎh (pbh) ay nagsabi: “at ang pag-aayuno ay junnah” – kung gayon, ano ang ibig sabihin ng salitang ito? Ayon sa Mu’jam Mukhtār As-Shaḥāḥ, ang kahulugan ng salitang “junnah” ay Armas na laging dinadala ng tao. At ang pag-aayuno ay isang Armas na hindi nakikita ng mga tao sapagkat ito ay nakatago, kung kaya’t sinisira nito ang mga matatanda at mahihinang cells, kasabay na sinasalakay nito ang mga toxins sa kanilang lungga kung kaya’t sila’y pinapalabas at pinapaalis. Hindi baga ang salita ng Propeta (pbh) hinggil sa pag-aayuno ay tumpak sa pang-agham at pangmedikal?
Ang anumang ibinibigay sa iyo na mga gamot sa maraming taon ay maaaring maibibigay sa iyo sa mga araw lamang nang walang negatibong epekto. Samakatwid, ang pag-aayuno ay nakakabuti sa katawan at nakapagpapalakas ng immune system, kaya ang pag-aayuno sa bawat kahulugan nito ay Armas! Ang Armas na ito ay proteksyon natin laban sa pagsalakay ng mga virus at ng iba’t ibang mga sakit. Hindi baga tama ang sinabi ng Sugo ng Allǎh (pbh) na ang pag-aayuno ay (junnah), ang ibig sabihin ay Armas? Hindi baga ito ay isang kahanga-hangang himala?
Kabilang sa biyaya sa atin ng Allǎh, ginawa Niya ang buwan ng Ramaḍân na higit na mainam kaysa sa ibang mga buwan, at dito ibinaba ang pinakadakilang Aklat, ang Qur’ân, sabi ng Allǎh: “Ang buwan ng Ramaḍān ay dito ibinaba ang Qur’ân, bilang patnubay sa sangkatauhan at malinaw na tanda (o katibayan) at pamantayan (sa pagitan ng tama at mali), datapuwa’t ang sinumang nakakita ng buwan (o namamalagi sa kanyang lugar at hindi naglalakbay) ay marapat na mag-ayuno sa buwan na ito; at ang sinumang may karamdaman o nasa paglalakbay ay ang nakatakdang bilang (mga araw na hindi napag-ayunuhan ay papalitan na lamang) sa ibang mga araw; ang Allǎh ay nagnais na maging magaan sa inyo, ayaw Niya sa inyo na ilagay kayo sa kahirapan, at tapusin ninyo ang nakatakdang araw at dakilain Siya (katulad ng pagsabi ng Allǎhu Akbar) sapagkat Kanyang pinatnubayan kayo, at upang kayo ay magkaroon ng pasasalamat sa Kanya.” (Al-Baqarah 2:185)
Kabilang sa mga sinabi ng mga manggagamot na hindi mga Muslim tungkol sa pag-aayuno
Inilalarawan ng isa sa pinakatanyag na manggagamot hinggil sa mga kahalagahan ng pag-aayuno, sinabi niya: “Decreased weight, clearer skin, increased elimination, tissue repair, decreased pain and inflammation, increased concentration, relaxation, plus spare time and savings in the cost of food. Perhaps the greatest benefit is the satisfaction that you are taking a major role in improving your health.”
Napakalinaw ang nabanggit sa banal na Qur’an, sabi ng Allǎh: “Higit na mainam sa inyo ang mag-ayuno kung inyo lamang nalalaman.” (Al-Baqarah 2:184)
Bilang pangwakas: Ang pag-aayuno sa Islām ang pinakaligtas
Tinitiyak ng mga tagapagpananaliksik, na ang tuloy-tuloy na pag-aayuno ng mahabang panahon ay may mga panganib at negatibong epekto, subalit tinitiyak naman nila na ang paulit-ulit na pag-ayuno ng hindi mahabang panahon (ito ay ang pag-aayuno sa Islâm, mula pagbukang liwayway hanggang sa paglubog ng araw) ay laging nagbibigay ng kaligtasan at kahalagahan kahit pa sa mga taong may sakit sa atay at dyabetis.
Ang pag-aayuno ng mga taong bandang kanluran ay hindi ganap na pag-aayuno sapagkat ipinahihintulot nila sa nag-aayuno ang Juice o pagkain na kanilang itinakda, at sa ganitong pagkakataon ay hindi naisasagawa ng pag-aayuno ang kanyang misyong paglilinis. Subalit inamin ng mga taong ito na ang ganap na pag-aayuno ay siyang perpektong operasyon upang linisin ang katawan mula sa mga toxins.
Mayroong katangian sa pag-aayuno sa Islâm, ito ay siyang katanggap-tanggap at magaan sa mga taong nananampalataya na walang anumang naidudulot na kasahulan o kapinsalaan.
Ang pag-aayuno sa Islām ay higit na tinatanggap ng mga Muslim bagkus inaasam-asam nila ang mabiyayang buwan na ito sapagkat sila’y nag-aayuno ng sabay-sabay at itinitigil nila ang kanilang pag-aayuno ng sabay-sabay din parang isang pamilya, at ito ay hindi natin matatagpuan sa pangmedikal na pag-aayuno na kung saan ay ikaw ay nag-aayuno samantalang ang mga nakapalibot sa iyo ay kumakain!
Katotohanang tayo ay nag-aayuno para sa Allǎh kaya ating matatamo ang gantimpala sa Mundo at sa Kabilang Buhay at ating matatamo ang awa ng Allǎh, sapagkat tayo ay sumusunod sa Propeta (pbh), kaya ang pag-aayuno sa Islâm ang higit na matagumpay at kapaki-pakinabang. Katotohanang ginawa ng Allǎh ang pag-aayuno na obligado at Siya mismo ang magbibigay ng gantimpala, at inilaan Niya ang isa sa mga pintuan ng Paraiso na kung saan ay walang makakapasok sa pintuang ito maliban na lamang sa mga nag-aayuno! Kung gayon, tinutugunan ba natin ang panawagan ng Allǎh?: “Higit na mainam sa inyo ang mag-ayuno kung inyo lamang nalalaman.” (Al-Baqarah 2:184)
Mula sa tekstong arabik na isinulat ni Engineer: Abdul Dāim Al-Kaheel