Nararapat din bang mag-ayuno ang taong may karamdaman o may sakit ngunit may pag-asa pang gumaling ang kanyang sakit, at ang taong nasa paglalakbay? Ano ang hatol o patakaran nito sa Islām?
Ayon sa mga Pantas sa Islām: Ang taong may karamdaman o kaya’y may sakit na may pag-asa pa siyang gumaling, at ang taong nasa paglalakbay ay pinahihintulutan sila na huwag ng mag-ayuno, subalit papalitan lang nila ang mga araw na hindi nila napag-aayunuhan pagkatapos ng Ramaḍān. Sabi ng Allǎh (سبحانه وتعالى) sa banal na Qur’ân:
فمن كان منكم مريضا أو على سفر فعدة من أيام أخر
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “Datapuwat sinuman sa inyo ang may karamdaman o nasa paglalakbay ay ang nakatakdang araw ay papalitan na lamang sa ibang araw.” (Al-BAqarah 2:184).
Ganon din na pinahintulutan na huwag ng mag-ayuno ang taong mamamatay na sa dahil sa pagkagutom kahit na siya ay hindi nasa paglalakbay ay maaari na niya itigil ang kanyang pag-aayuno subalit pagkatapos ng Ramaḍān ay papalitan niya ang mga araw na hindi niya napag-ayunuhan. Sabi ng Allǎh (سبحانه وتعالى) sa banal na Qur’ân:
ولا تقتلوا أنفسكم إن الله كان بكم رحيما
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “at huwag ninyong patayin ang inyong sarili, katotohanang ang Allǎh sa inyo ay pinakamahabagin.” (An-Nisā 4:29).
Ang Islam ay hindi mahirap at hindi nagpapahirap sa mga tao, sapagkat ito ay isang magaan na relihiyon. Sabi ng Allǎh (سبحانه وتعالى) sa banal na Qur’ân:
وما جعل عليكم في الدين من حرج
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “at hindi Niya iginawad sa inyo sa relihiyon ang anumang kahirapan.” (Al-Ḥajj 22:78).