Ang Pagyakap sa Islām ni Bro. Raul Diokno

Yumakap sa Islâm Pagkalipas ng 7 taon ng Presentation sa Hospital

Noong 2006, pumunta kami sa Al-Salam Hospital upang mag-da’wah sa mga staff ng hospital, invited kami ng In-Charge doon na si Madam Fouziyah. Isa sa mga audience namin noon ay si RAUL DIOKNO, isa sa mga empleyado ng hospital. After sa presentation namin na yon, hindi na kami nakabalik doon. Sabi namin kay Madam Fouziyah, Inshaallah, kung sino man sa mga nandoon ang gagabayan ng Allah, ay tiyak makarating sa tuwid na landas.

Halos 7 years ang lumipas, nagkita ulit kami ni Raul, this time siya na ang gumawa ng paraan para mahanap niya ang IPC. Ang telephone number ko ang binigay ng IPC sa kanya. Hindi ko na siya natatandaan pa, ngunit nang makita niya ako, ay naalaala niya agad ang presentation ko noong 2006. Noong 8 February 2013, nag-SHAHADAH si Raul sa KPCCenter. Pinili niya ang pangalang ABDULRAHMAN.

Katotohonang ang Allah ay Napaka-Maawain at Napaka-Mahabagin sa mga taong naghahanap ng kapayapaan ng buhay.

Related Post