Bago mag-umpisa ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍân ay kailangan munang silipin ang buwan sa ika-29 ng Sha’bân alinsunod sa kautusan ng Propeta, at narito ang panalangin kapag nakita ang buwan. Ayon kay Ṭalⱨah bin Obaydullah t, katotohanang si Propeta Muⱨammad r ay kapag nakita niya ang buwan ay sinasabi niya: “Allǎh humma ahillahu àlaynâ bil-amni wal Ǐmân, was Salâmati wal Islâm, Rabbi wa Rabbuka-Allǎh, Hilâlu rushdin wa khayrin.” Ang kahulugan nito sa tagalog ay – O Allǎh! ipakita Mo sa amin ang buwan na may kasa-kasamang katiwasayan at pananampalataya, at may kasa-kasamang kapayapaan at Islâm, ang Allǎh ang aking Panginoon at iyong Panginoon, buwan ng patnubay at kabutihan. Iniulat ang Ⱨadeeth na ito ni At-Tirmidziy, at sinabi niya na ang Ⱨadeeth na ito ay mabuti. Tingnan ang Sharⱨ Riyâḍuṣ Ṣâliⱨeen, Ⱨadeeth 1/1228, Ikatlong Bahagi, Pahina 384.