Ipinahintulot bang magkaroong ng pagdiwang sa araw ng pasko? Ngunit ang layunin sa likod ng pagdiwang ay walang kinalaman sa pasko, ito lamang ay nagkataon.
Walang masama sa pagdiwang ng mga masasayang okasyon tulad ng kasal, panganganak, pagbabalik mula sa malayong lugar, nakapasa sa exam, nakakuha ng magandang trabaho at iba pa, maari itong gawin sa oras mismo ng pagkaganap at hindi maaring paulit-ulit, dahil kung ito ay paulit-ulit, ito ay magiging isang eid o festival, at ito ay hindi iniatas para sa ating mga Muslim upang ipagdiwang ang anumang festival maliban lamang sa Eid al-Fitr, Eid Al-Adha at Jumu’ah. Hindi rin iniatas sa atin na ipagdiwang ang kaarawan o anibersaryo sa kasal ng bawat taon o graduation mula sa unibersidad.
Walang masama kung ang napahintulutang okasyon ay naitapat sa araw ng Pasko, maaaring ganapin ang mga ito sa kadahilanang sila ay nagpapasalamat at natupad ang kanilang mga ninais at iyon ang layunin at walang halong layunin na pagsamba, ito ay ginaganap upang ipahayag ang kagalakan at kaligayahan bilang isang biyaya na mula sa Allah na ipinagkaloob at nakamit nila kung ano ang ninais nila. Walang nakikitang kamalian mula sa ganitong uri ng pagsalu-salo at kung kinakailangan ay mag handa ng maraming pagkain para sa mga daan-daang mga bisita.
Dapat nating tandaan na kong ang lahat ay gawin nating “EID” at paulit-ulit tulad ng, linguhan, buwanan at taon-taon ito ay hindi ipinahihintulot sa Islam, ito ay (bid‘ah).
Ang katibayan para sa tagapagbigay ng batas ay ipinahihintulot ang aqeeqah para sa bagong panganak, at wala ng iba pang ipinahintulot pagkalipas nito.
Ang pagsasagawa ng “EID’S” na paulit-ulit bawat linggo o bawat taon. Ito ay haraam at ito ay hindi ipinahihintulot. Walang ibang pyesta sa Islam maliban sa tatlong ipinahintulot. Ang Allah ang mas higit na nakakaalam.
Quote in English from:
http://islamqa.info/en/ref/
Modified & Translated to tagalog by: Abdullah