Ang bawat papuri ay para sa Allah (SWT) lamang, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang pagpapala at kapayapaan ay para kay Propeta Muhammad (SAW) na pinakahuling Propeta at Sugo.
Mga kapatid, narito ang mga kanais-nais na isagawa sa wuḍu:
- Ang pagbigkas ng “Bismillah” bago magsimula.
- Ang paghugas sa dalawang kamay ng tatlong beses bago ipasok sa lalagyan ng tubig.
- Ang paggamit ng Siwaak.
- Ang pagmumog.
- Ang pagsinghot ng tubig sa pamamagitan ng kanang kamay, at paglabas ng tubig sa pamamagitan ng kaliwang kamay.
- Ang pagsalingit sa balbas na makapal.
- Ang pagpahid sa buong ulo.
- Ang pagsalingit sa mga daliri ng dalawang kamay at dalawang paa. Ang dalawang kamay ang silang mag-uugnay, at ang dalawang paa naman ay gagamitan ng hinliliit ng kaliwang kamay.
- Ang pagpahid sa dalawang tainga sa loob at labas nito ng bagong tubig hindi iyong tubig na ginamit sa ulo.
- Ang pagsasagawa ng tatlong beses sa lahat ng mga obligado at sunnah nito.
- Unahin ang kanan sa paghugas ng dalawang kamay at dalawang paa.
- Ang paghimas ng kamay sa bahagi habang hinuhugasan.
- Al-Muwaalaah: Ang paghugas sa mga bahagi ng magkakasunod-sunod na hindi naputol, kung saan huhugasan ang pangalawang bahagi habang hindi pa natuyo ang unang bahagi.
- Ang pagpapahaba ng paghugas sa bahagi ng tinubuan ng buhok, at pagpapahaba ng paghugas sa itaas ng dalawang siko at sa itaas ng dalawang bukung-bukong.
- Ang pangangalaga ng mabuti sa tubig na hindi masayang at hindi naman magkulang.
- Ang pagharap sa Qiblah habang nagsasagawa ng wuḍu
- Ang hindi pagsalita habang nagsasawa ng wuḍu
- Ang pagtashah-hud at panalangin pagkatapos ng wuḍu