Ang bawat papuri ay para sa Allah (SWT) lamang, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang pagpapala at kapayapaan ay para kay Propeta Muhammad (SAW) na pinakahuling Propeta at Sugo.
Mga kapatid, narito ang mga nakakasira o nakapagpapawang-bisa sa wuḍu at ang mga bagay na makrooh o hindi kanais-nais sa wuḍu.
Mga nakakasira sa Wuḍu:
- Ang anumang lumabas mula sa dalawang butas, gaya ng ihi, dumi, dugo at hangin.
- Ang pagkatulog ng hindi mutamakkin (hindi nasa maayos na kalagayan).
- Ang pagkawala ng pag-iisip dahil sa pagkalasing, pagkahimatay, pagkasakit o pagkabaliw.
- Ang paghawak ng lalaki sa ibang babae na maaari niyang pakasalan ng walang hadlang.
- Ang paghawak sa maselang bahagi ng katawan sa pamamagitan mismo ng palad o mga daliri ng walang hadlang.
Mga Hindi Kanais-nais sa Wuḍu:
- Ang pagsayang ng tubig at ang sobrang pagtipid dito.
- Unahin ang kaliwang kamay sa kanang kamay.
- Unahin ang kaliwang paa sa kanang paa.
- Ang pagpunas ng panyo maliban lang kung kinakailangan.
- Ang pagsaboy ng tubig sa mukha.
- Ang somubra ng tatlong beses sa paghugas o pagpahid.
- Ang paghingi ng katulong sa ibang tao upang maghugas sa kanya na wala namang sapat na kadahilanan.
- Ang labis na pagmumog at pagsinghot ng tubig para sa taong nag-aayuno.