Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍân ay itinakdang tungkulin at obligado sa mga:
- Muslim
- Nasa wastong gulang
- Nasa wastong pag-iisip
- Hindi nasa paglalakbay
- Hindi dinudugo dahil sa pagreregla
- Hindi dinudugo dahil sa panganganak
- May kakayahan sa pag-aayuno
Ang mga nakakasira sa pag-aayuno ay katulad ng mga sumusunod:
- Ang sadyang pagkain
- Ang sadyang pag-inom
- Ang sadyang pagsuka
- Ang sadyang pagpapalabas ng punlay
- Ang pakikipagtalik
- Ang pagdurugo dahil sa pagreregla
- Ang pagdurugo dahil sa panganganak