Mayroong dalawang haligi ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍân na kung saan ay nararapat na maisagawa ito upang magiging katanggap-tanggap ang pag-aayuno:
1. An-Niyyah (Ang Layunin): ibig sabihin ay ang pagkakaroon ng layunin sa gabi bago magbukang liwayway. Ayon kay Ⱨafṣah (Raḍi-Allǎhu ànhâ), katotohanang sinabi ni Propeta Muⱨammad r: “Sinumang hindi magkaroon ng layunin (sa gabi) bago magbukang liwayway, siya’y walang ayuno.” Tingnan ang Subulus Salâm, Sharⱨ Buloogh Al-Marâm, Ⱨadeeth 7/622, Ikalawang Bahagi, Pahina 163.
Ang niyyah o layunin ay isang gawain ng puso at ito ay hindi na kailangang bigkasin pa ng dila, kaya ang pagsasagawa ng niyyah sa pag-aayuno ay isinasapuso lamang na mag-ayuno alang-alang sa pagsunod sa kautusan ng Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ). Maaaring isagawa ang niyyah sa anumang oras ng gabi hanggang hindi pa dumarating ang bukang liwayliway. Ang niyyah ay isinasagawa sa lahat ng mga gawaing pagsamba sa Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) upang ang mga gawain ay magiging katanggap-tanggap.
2. Al-Imsâk (Ang Pangingilin): ibig sabihin ay ang pagtitiis sa lahat ng mga nakakasira sa pag-aayuno mula sa pagbukang liwayway hanggang sa paglubog ng araw. Sabi ng Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ):
وَكُلُواْ وَاشْرَبُواْ حَتَّى يَتَبَيَّنَ لَكُمُ الْخَيْطُ الأَبْيَضُ مِنَ الْخَيْطِ الأَسْوَدِ مِنَ الْفَجْرِ ثُمَّ أَتِمُّواْ الصِّيَامَ إِلَى الَّليْلِ. سورة البقرة
Ayon sa kahulugan ng talatang ito sa wikang tagalog:
Datapuwat kayo ay kumain at uminon hanggang sa ang maputing hibla ay magiging lantad sa inyo kaysa sa maitim na hibla; pagkatapos ay inyong tapusin ang pag-aayuno hanggang sa dumatal ang gabi. (Al-Baqarah 2:187)
Ang ibig sabihin ng maputing hibla ay ang pagdatal ng liwanag o pagbubukang liwayway, at ang ibig sabihin naman ng maitim na hibla ay ang kadiliman ng gabi; ibig sabihin ay ang paglisan ng gabi at ang pagdatal ng umaga.