عَنْ أَبِي ذَرٍّ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ أَيْضًا: أَنَّ نَاسًا مِنْ أَصْحَابِ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالُوا لِلنَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: يَا رَسُولَ اللهِ! ذَهَبَ أَهْلُ الدُّثُورِ بِالْأُجُورِ، يُصَلُّونَ كَمَا نُصَلِّي، وَيَصُومُونَ كَمَا نَصُومُ، وَيَتَصَدَّقُونَ بِفُضُولِ أَمْوَالِهِمْ. قَالَ: ”أَوَلَيْسَ قَدْ جَعَلَ اللهُ لَكُمْ مَا تَصَّدَّقُونَ؟ إنَّ بِكُلِّ تَسْبِيحَةٍ صَدَقَةً، وَكُلِّ تَكْبِيرَةٍ صَدَقَةً، وَكُلِّ تَحْمِيدَةٍ صَدَقَةً، وَكُلِّ تَهْلِيلَةٍ صَدَقَةً، وَأَمْرٌ بِالْمَعْرُوفِ صَدَقَةً، وَنَهْيٌ عَنْ مُنْكَرٍ صَدَقَةً، وَفِي بُضْعِ أَحَدِكُمْ صَدَقَةً. قَالُوا: يَا رَسُولَ اللهِ! أَيَأْتِي أَحَدُنَا شَهْوَتَهُ وَيَكُونُ لَهُ فِيهَا أَجْرٌ؟ قَالَ: أَرَأَيْتُمْ لَوْ وَضَعَهَا فِي حَرَامٍ أَكَانَ عَلَيْهِ وِزْرٌ؟ فَكَذَلِكَ إذَا وَضَعَهَا فِي الْحَلَالِ، كَانَ لَهُ أَجْرٌ.“ رَوَاهُ مُسْلِمٌ
Ayon din kay Abū Dhar (kalugdan siya ng Allâh): Katotohanang may mga taong kabilang sa mga Saḫābah (kasamahan) ng Sugo ng Allâh (SAW) na kanilang sinabi sa Propeta (SAW): O Sugo ng Allâh! Sumulong ang mga mayayaman upang magtamo ng maraming gantimpala, sila ay nagdarasal katulad ng aming pagdarasal, at sila ay nag-aayuno katulad ng aming pag-aayuno, at sila ay namimigay ng kawang-gawa dahil sa kahigitn ng kanilang kayamanan.
Kanyang sinabi: “Hindi ba gumawa ang Allâh para sa inyo ng mga bagay bilang inyong kawang-gawa? Katotohanang bawat pagtasbeeḫ (pagsabi ng Subḫānallâh – o pagluwalhati sa Allâh) ay kawang-gawa, at bawat pagtakbeer (pagsabi ng Allâhu Akbar – o pagdakila sa Allâh) ay kawang-gawa, at bawat pagtaḫmeed (pagsabi ng Alḫamdulillâh – o pagpuri sa Allâh) ay kawang-gawa, at bawat pagtaḫleel (pagsabi ng Lā ilāha illa Allâh – o pagpapatunay na walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allâh) ay kawang-gawa, at ang pag-uutos ng kabutihan ay kawang-gawa, at ang pagbabawal ng kasamaan ay kawang-gawa, at sa pagsiping ng isa sa inyo (sa kanyang maybahay) ay kawang-gawa.”
Sila ay nagsabi: O Sugo ng Allâh! Kahit sa oras na isinasagawa ng isa sa amin ang kanyang pagnanasa sa kanyang maybahay ay magkakaroon ng gantimpala?
Kanyang sinabi: “Ano sa tingin ninyo kung ito ay isinagawa niya sa paraang ipinagbabawal hindi ba siya magkakaroon ng kasalanan? Kaya ganoon din kung ito ay isinagawa niya sa paraang ipinahihintulot ay pagkakalooban siya ng gantimpala.” Iniulat ni Muslim (1006).