Ang Ramaḍân ay salitang arabik na ang kahulugan nito ay ang ika-9 na buwan ng Hijri o Kalendaryong Islamiko. Ang buwan ng Ramaḍân ay buwan na kung saan ay nag-aayuno ang mga Muslim sa buong Mundo. Ilang araw pa bago dumating ang buwan ng Ramaḍân ay nananalangin na ang mga Muslim na sana’y maabutan ang buwan na ito.
Bilang karagdagang kalaman ay narito ang mga pangalan ng labing dalawang buwan sa Hijri o Kalendaryong Islamiko:
- Muⱨarram
- Ṣafar
- Rabi’ Awwal
- Rabi’ Thâni
- Jamâd Awwal
- Jamâd Thâni
- Rajab
- Sha’bân
- Ramaḍân
- Shawwâl
- Dzul Qa’dah
- Dzul Hijjah