Bismillah… Mga kapatid, naitanong na ba natin sa ating mga sarili kung bakit tayo ay biniyayaan ng hininga at buhay? Buksan natin ang ating mga kaisipan at malayang buksan ang kaibuturan ng ating mga puso sa pagtanggap ng katotohanan.
Hindi bagat napakaraming biyaya ang ating natatanggap nasubukan na ba nating mag-pasalamat sa tunay na ating tagapaglikha o mali ang ating napapasalamatan, hindi bagat dapat lamang nating pasalamatan ang Allah (SWT) na sa bawat sandali ng ating hininga tayo ay kanyang binibiyayaan.
Naisip na ba natin na ang lahat ng bagay dito sa Mundong ibabaw at sa kaitaasan ng kalangitan ay biyayang ibinigay sa atin ng ating tagapaglikha, tagapanustos ng lahat ng ating pangangailangan tulad ng hangin na libreng ating nilalanghap ngayon upang tayo ay mabuhay ng matiwasay upang manalaytay sa ating katawan at isipan ang biyayang ito bagama’t nasa sinapupunan pa lamang tayo ng ating mga ina ito ay kanya ng ibinigay sa atin.
Ang bawat binhi ng trigo’t butil ng bigas mga bungang kahoy tulad ng mga prutas hindi ba lahat ng mga ito ay mga biyaya ng Allah (SWT) bawat binhing nalalaglag sa tigang na lupa ay sadyang pag ito ay nadiligan ng tubig mula sa kalangitan ito ay sisibol at yayabong magiging sagana’t dadating ang panahon ay ating mapapakinabangan upang mapang-laman ng ating kumakalam sikmura. Kaya’t nararapat lamang na pasalamatan ang lumikha ng lahat ng biyayang ito pakalmahin natin ang ating mga isipan at diligan natin ito ng kaalaman kung bakit tayo ay nilikha kasama ang bawat kanyang nilalang. Diligan natin ang ating mga isipan ng pananampalataya sa tanging tagapaglikha ito ay si Allah (SWT) at ang mga banal niyang mga salita ito ay ating magagamit at walang sino manng makakakuha nito sa atin maliban lamang sa Allah (SWT) kapag kanya ng naisin na bawiin ang kanyang pinag kaloob, pinahiram sa ating buhay at atin din itong madadala hanggang sa araw ng kanyang paglilitis o ang kanyang paghuhukom. Ngunit kung ito ay ating ipagwawalang bahala naisip na ba natin na may babaunin tayong kaalaman sa pagtatanong ng Angel sa ating libingan na makakapagpaginhawa sa pagtahak natin sa kabilang buhay sa Paraisong nakahanda na sa mga taong mananampalataya sa Allah (SWT).
Marami ngang kasiyahan dito sa Mundo marami tayong magiging kaibigan, maraming kasiyahan na labag at ipinagbabawal ng Allah (SWT) ngunit patuloy parin sa atin ang pag-gawa ng mga ito. Sa paglalakbay natin bilang mga tao dito sa Mundo di bagat nararapat lamang nating gawain yaong nararapat na kabutihan alang-alang sa Allah (SWT) dahil makakatulong ito ng malaki pag tayo ay Kanya ng naisin na bawiin dito sa Mundong ibabaw dahil ang mga kasiyahan dito sa Mundo ay pawang pangsamantala lamang.
Marapat din nating hanapin ang bawat katangi-tanging kaalaman sa ikakasiya ng ating tagapaglikha. Huwag nating ilagay ang ating mga sarili sa kagipitan at paghihirap sa naglalagablab na apoy na Kanya ring inihanda sa mga taong hindi nananampalataya sa Allah (SWT).
Mga kapatid, pahalagahan natin ang ating buhay dahil ang buhay na ipinagkaloob sa atin ay napakahalaga, buhay na biyaya ng Allah (SWT) lagi natin Siyang pasalamatan, huwag tayong magpakaligaw sa mga makamundong bagay sapagkat binigyan Niya tayo ng buhay upang pangalagaan gawin ang nararapat at ito ay ang pagsamba sa Allah (SWT), kaya’t marapat lamang na magkaroon tayo ng takot sa kanya marami tayong mababasa na ang bawat tao ay may kapanagutan, kaparusahan sa bawat ating pagkakasala.
Mula sa panulat ni Bro. Yousef Dennis Parrocha.