Main Menu
أكاديمية سبيلي Sabeeli Academy

Ang Taong Okasyonal ang Pagdarasal

Ang Taong Okasyonal ang PagdarasalBismillâh, Alhamdulillâh…

Ang bawat papuri ay para sa Allâh (SWT) lamang, ang Panginoon ng mga nilalang. Nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay para kay Propeta Muhammad (SAW), ang pinakahuling Propeta at Sugo.

Malalaman mo ang taong okasyonal lamang ang kanyang pagdarasal; tulad ng pagdarasal lamang ng dasal ng eid o pagdarasal ng dasal sa patay, dahil mapapansin mo ang taong ito na tuwang-tuwa sa kanyang pagdarasal habang nagbabasa ang Imaam ng maikling Surah na may tunog, ang taong ito ay bumibigkas din kasabay ng Imaam na naririnig ang kanyang boses na tila bagang gusto niyang patunayan sa mga tao na naisaulo niya ang binabasa ng Imaam, bagama’t pangungunahan pa niya ang Imaam sa pagbabasa ng mga talata para mapatunayan niya sa kanyang mga katabi na siya ay magaling.

Malamang ang taong ito ay nagsasagawa lamang ng pagdarasal alang-alang sa Imaam, alang-alang sa mga taong nasa likuran niya, o kaya’y lilingon siya sa kanyang paligid para malaman kung sinong dumating sa kanyang tabi, o kaya’y titingin sa kanyang relo at ihahambing ang kanyang oras sa oras sa Masjid habang ang mga tao ay nakatingin sa kanya. Ganito ang ilan sa mga uri ng tao na ang kanilang pagdarasal ay hindi alang-alang sa Allâh (SWT). Hindi nababatid ng ilan sa mga taong nagdarasal na ang nararapat gawin sa pagdarasal ay ang pagkakaroon ng ganap na pangangamba sa Allâh (SWT) habang nagdarasal. Sinabi ng Allâh (SWT) sa Banal na Qur’ân:

قَدْ أَفْلَحَ الْمُؤْمِنُونَ الَّذِينَ هُمْ فِي صَلَاتِهِمْ خَاشِعُونَ. سورة المؤمنون

Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “Katiyakan, nagtagumpay ang mga sumasampalataya. Sila na nagsasagawa ng pagdarasal (Salaah) ng may ganap na pangangamba.” (Surah Al-Mu’minoon 23:1-2)

Related Post