Ang bawat papuri ay para sa Allâh (SWT) lamang, ang Panginoon ng mga nilalang. Nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay para kay Propeta Muhammad (SAW), ang pinakahuling Propeta at Sugo.
Sa relihiyong Islaam ay ipinag-uutos ang pagkakapatiran, pagmamahalan at pagtutulungan sa isa’t isa sa pamamagitan ng kabutihan o kagandahang-asal na alinsunod sa kautusan ng Allâh (SWT) at ang Kanyang Sugo na si Propeta Muhammad (SAW), subalit ipinagbabawal naman ang pagtutulungan tungkol sa kasalanan at pagsuway.
Kaya, nararapat na iwasan ang lahat ng mga gawaing labag sa Allâh (SWT) sapagkat matindi ang kaparusahan ukol dito pagdating sa araw ng paghuhukoom. Sinabi ng Allâh (SWT) sa Banal na Qur’ân:
وَتَعَاوَنُوا عَلَى الْبِرِّ وَالتَّقْوَى وَلا تَعَاوَنُوا عَلَى الإِثْمِ وَالْعُدْوَانِ وَاتَّقُوا اللهَ إِنَّ اللهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ. سورة المائدة
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “At magtulungan kayo sa isa’t isa sa kabutihan at pagkatakot sa Allâh, datapuwa’t huwag kayong magtulungan sa isa’t isa sa kasalanan at pagsuway, at katakutan ninyo ang Allâh, katotohanang ang Allâh ay malupit sa kaparusahan.” (Surah Al-Maaidah 5:2).