Main Menu
أكاديمية سبيلي Sabeeli Academy

Ang Pagtanggap ng Inihanda Para sa Christmas at iba pa

Ang Pagtanggap ng Inihanda Para sa Christmas o sa iba pang Kaarawan ng Hindi mga MuslimItinala ni Bro. Abdullah Tabing

Tanong: Ano po ba ang pananaw nyo sa mga handa na gaya ng Christmas o ano pamang okasyon na hindi ipinag-diriwang ng mga Muslim, ito po ba ay pwedi nating kainin?

Sagot: Bismillah, Alhamdulillahi Wassalatu Wassalamu Ala Rasulillah Waala Alihi Wasahbhi Waba’d. Una, napagkasunduan ng mga Pantas sa Islam na ang paggunita sa neros at pista ng hindi mga Muslim o sa mga kaarawan nilang naiuugnay sa kanilang pananampalataya at ang pagtulong sa paggunita ng mga ito, kahit pa ang pagbati o pagsagot sa kanilang pagbati ay hindi ipinahihintulot sa Islam sapagkat malinaw ang mga patunay sa Banal na Qur’an at sa mga Hadith ni Propeta Mohammad (Sumakanya ang Kapayapaan).

Tungkol sa pagkain at inumin o regalong kanilang ipagkakaloob sa atin na mga Muslim, ang orihinal ng mga ito ay walang kasamaan ayon din sa mga napag-kasunduan ng mga pantas kung walang ugnayan sa kanilang neros at pista o kaarawang hindi ipinahintulot sa atin at kung ang mga ito rin ay hindi dati nang ipinagbawal sa atin na kainin o inumin, sapagkat malinaw din sa Banal na Qur’an at ginawa ni Propeta Mohammad (Sumakanya ang Kapayapaan). At wala tayong nakikita na kasamaan na kumain ng pagkaiin nila kasama sila at kumain ng natira nila o pagkatapos ng sila ay kumain. Subalit kung ang mga ito ay may ugnayan sa kanilang neros o pista o kaarawang hindi ipinahintulot sa atin ay wala ring kasamaan ayon sa mag nag-uusisa sa batas sa may mga kondisyon. Kung ang mga pagkain at inuming ito ay hindi dati nang ipinagbawal sa atin katulad ng baboy o alak, o ang regalong ipinagkakaloob nila ay hindi sangkap ng kanilang neros at pista o kaarawan katulad ng kandila at iba pa. Kung ang hayop ay hindi nila kinatay  alang-alang sa kanilang neros at pista o kaarawan. At walang kasamaan na tanggapin o kainin ang bunga na ipagkaloob nila sa atin kahit sino pa man sila o kahit ano pamang okasyon ang sa kanila. Kung ang pagtanggap sa mga ito ay hindi para tulong sa kanilang paggunita o kaya panggagaya sa kanila. Kung ang layunin sa pagtanggap ng mga ito ay para lamang hindi sila masuklam sa atin at para din maipakita sa kanila ang kainaman ng Islam. At kung ang pagtanggap ng mga ito ay hindi makaka-apekto sa ating pananampalataya at lalo sa ating mga anak.

Ang Allah lamang ang higit na nakakaalam.

Related Post