Ang Pagtalikod Sa Araw Ng Digmaan

ang-pagtalikod-sa-araw-ng-digmaanBismillâh, Alhamdulillâh…

Ang bawat papuri ay para sa Allâh (SWT) lamang, ang Panginoon ng mga nilalang. Nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay para kay Propeta Muhammad (SAW), ang pinakahuling Propeta at Sugo.

Kapag nagkatagpo ang mga mananampalataya at ang mga hindi mananampalataya sa araw ng kanilang digmaan ay ipinagbabawal sa mga mananampalataya na tumalikod o kaya’y umurong dahil sa kanilang pagkamakasarili o pagkatakot mamatay, maliban lamang kung ang kanilang pagtalikod o pag-urong ay sa pamamagitan ng taktika ng labanan o pupunta sa mga kasama.

Ang sinumang mananampalataya na tumalikod sa araw ng digmaan laban sa mga hindi mananampalataya ay mapasakanya ang poot ng Allâh (SWT) at ang kanyang magiging tirahan ay Impiyerno pagdating sa araw ng paghuhukom.

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا لَقِيتُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا زَحْفًا فَلَا تُوَلُّوهُمُ الْأَدْبَارَ. وَمَنْ يُوَلِّهِمْ يَوْمَئِذٍ دُبُرَهُ إِلَّا مُتَحَرِّفًا لِقِتَالٍ أَوْ مُتَحَيِّزًا إِلَى فِئَةٍ فَقَدْ بَاءَ بِغَضَبٍ مِنَ اللهِ وَمَأْوَاهُ جَهَنَّمُ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ. سورة الأنفال

Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “O kayong mga nananampalataya! Kung inyong makatagpo (makasalubong) ang mga hindi nananampalataya (sa larangan ng digmaan) na gumagapang, ay huwag ninyong ilihis ang inyong mga likod sa kanila (huwag ninyo silang uurungan). At ang sinumang ilihis niya ang kanyang likod sa kanila (umurong sa kanila sa gayong digmaan) – maliban lamang kung sa paglihis sa pakikidigma (taktika ng labanan), o sa pagpanig sa kabilang pangkat (na mga kasama), katiyakang hinatak niya sa kanyang sarili ang poot mula sa Allâh, at ang kanyang tirahan ay Impiyerno, na napakasamang hantungan.” (Surah Al-Anfaal 8:15-16).

Ang pagtalikod sa araw ng digmaan ay ikaanim sa mga mortal na kasalanan na kung saan ay nabanggit sa Hadeeth ng Propeta.

Related Post