Ang bawat papuri ay para sa Allah (SWT) lamang, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang pagpapala at kapayapaan ay para kay Propeta Muhammad (SAW) na pinakahuling Propeta at Sugo.
Ang pagsisinungaling ay kabaliktaran ng pagiging tapat. Ito ay ang pagbanggit ng isang bagay na salungat sa katotohanan, maging ito man ay sinasadya o hindi sinasadya, at maging ito man ay nakaraan o hinaharap na pangyayari. Marapat sa isang Muslim na magsabi ng buong katotohanan kauganay sa kanyang mga nalalaman, at huwag gawing habit ang pagiging sinungaling para hindi malihis sa landas ng pagsunod, lalo na kung ito ay imbentong kasinungalingan laban kay Allâh (SWT) at sa Kanyang Sugo sapgkat napakalaking kasalanan.
Sinabi ng Allâh (SWT) sa Banal na Qur’ân:
وَلَا تَقْفُ مَا لَيْسَ لَكَ بِهِ عِلْمٌ إِنَّ السَّمْعَ وَالْبَصَرَ وَالْفُؤَادَ كُلُّ أُولَئِكَ كَانَ عَنْهُ مَسْئُولًا. سورة الإسراء
“At huwag mong itaguyod ang isang bagay (huwag mangusap) na wala sa iyo ang kaalaman, katotohanang ang pandinig, ang paningin, at ang puso ay bawat isa sa kanila ay tatanungin.” (17: 36).
Sinabi pa ng Allâh (SWT) sa Banal na Qur’ân:
فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَى عَلَى اللهِ كَذِبًا لِيُضِلَّ النَّاسَ بِغَيْرِ عِلْمٍ إِنَّ اللهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ. سورة الأنعام
“At sino kaya ang higit na gumagawa ng kamalian maliban sa kanya na nag-imbento ng kasinungalingan laban kay Allâh, upang akayin ang mga tao na maligaw ng walang kaalaman. Katotohanang ang Allâh ay hindi namamatnubay sa mga taong mapaggawa ng kamalian (mapagsamba sa mga diyus-diyusan).” (6: 144)
عَنْ ابْنِ مَسْعُودٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: عَلَيْكُمْ بِالصِّدْقِ فَإِنَّ الصِّدْقَ يَهْدِي إِلَى الْبِرِّ، وَإِنَّ الْبِرَّ يَهْدِي إِلَى الْجَنَّةِ، وَمَا يَزَالُ الرَّجُلُ يَصْدُقُ وَيَتَحَرَّى الصِّدْقَ حَتَّى يُكْتَبَ عِنْدَ اللهِ صِدِّيقًا. وَإِيَّاكُمْ وَالْكَذِبَ فَإِنَّ الْكَذِبَ يَهْدِي إِلَى الْفُجُورِ، وَإِنَّ الْفُجُورَ يَهْدِي إِلَى النَّارِ، وَمَا يَزَالُ الرَّجُلُ يَكْذِبُ وَيَتَحَرَّى الْكَذِبَ حَتَّى يُكْتَبَ عِنْدَ اللهِ كَذَّابًا. رواه البخاري6094، ومسلم2607
Ayon kay Ibnu Mas’ood (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Sinabi ng Sugo ng Allâh (SAW): “Manatili kayo sa katapatan sapagkat katotohanang ang katapatan ay umaakay tungo sa kabanalan, at katotohanang ang kabanalan ay umaakay tungo sa Paraiso, at ang isang lalaking nagsusumikap sa pagsasabi ng tapat hanggang siya ay maitala doon sa Allâh bilang isang napakatapat na tao. At mag-ingat kayo sa kasinungalingan sapagkat katotohanang ang kasinungalingan ay umaakay tungo sa imoralidad (pagkakasala), at katotohanang ang imoralidad ay umaakay tungo sa Impiyerno, at ang isang lalaking patuloy sa pagsasabi ng kasinungalingan hanggang siya ay maitala doon sa Allâh bilang isang napakasinungaling na tao.” Iniulat ang Hadeeth na ito nina Al-Bukhāri (6094) at Muslim (2607).