Ang bawat papuri ay para sa Allâh (SWT) lamang, ang Panginoon ng mga nilalang. Nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay para kay Propeta Muhammad (SAW), ang pinakahuling Propeta at Sugo.
Ang pagpatay ng tao na ipinagbabawal ng Allâh (SWT) ay ang pagpatay ng hindi sa makatarungang dahilan tulad ng pagpatay nang sadya sa mga taong mananampalataya.
Ang makatarungang dahilan na ipinahihitulot ay ang paghatol ng kamatayan sa taong mamamatay tao kapalit ng kanyang ginawang pagpatay, o kaya’y ang paghatol ng kamatayan sa taong may asawa o nakapag-asawa na gumawa ng nangangalunya. Ang sinumang pumatay sa taong nananampalataya sa Allâh (SWT) nang sadya ay mananatili sa Impiyerno at pinaghandaan siya ng malaking kaparusahan pagdating sa araw ng paghuhukom. Narito ang ilan sa mga talata mula sa Banal na Qur’ân:
وَلَا تَقْتُلُوا النَّفْسَ الَّتِي حَرَّمَ اللهُ إِلَّا بِالْحَقِّ. سورة الأنعام
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “At huwag kayong pumatay ng tao na ipinagbabawal ng Allâh, maliban lamang kung ito ay sa makatarungang dahilan.” (Surah Al-An’am 6:151).
وَمَنْ يَقْتُلْ مُؤْمِنًا مُتَعَمِّدًا فَجَزَاؤُهُ جَهَنَّمُ خَالِدًا فِيهَا وَغَضِبَ اللهُ عَلَيْهِ وَلَعَنَهُ وَأَعَدَّ لَهُ عَذَابًا عَظِيمًا. سورة النساء
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “At ang sinumang pumatay ng taong nananampalataya nang sadya, ang kanyang kaparusahan ay Impiyerno, mananatili rito, at mapapasakanya ang poot at sumpa ng Allâh, at inihanda para sa kanya ang malaking kaparusahan.” (Surah An-Nisaa 4:93).
Ang pagpatay ng tao na ipinagbabawal ay ikatlo sa mga mortal na kasalanan na kung saan ay nabanggit sa Hadeeth ng Propeta.