Bismillah… Ang mga tungkulin ng mga magulang. Ang malaking pagtingin ng Islam sa mga bata ay maaaring ilarawan sa kaunting mga nilalayon. Halimbawa, ang mga bata ay nakagawa ng mali o kamalian at ang magulang ay nadawit sa pagkakakamali ng bata huwag natin saktan o kantingin ang ating mga anak bagkus ay makipag-ayos kung kanino man nakagawa ng mali ang mga bata. Ang Qur’an ay kumikilala ng maliwanag na ang magulang ay hindi laging ligtas sa pagkalinga o ating pag papabaya. Tayo ay marapat na gumawa ng tiyak na patakaran at ituro ang mainam at katotothanan tungkol sa mga bata. Hamimbawa nito ay ipadama natin sa mga bata ang ating pagmamahal, pagkalinga sa kanila sa atin din ipadama sa kanila na sila ay ating kaligayahan upang sila ay ating kupkupin hanggang sa paglaki nila sa wastong gulang. Kabaitan sa bata ay ito ang pagkakawang-gawa na may pinakamaats na kautusan sa kanilang kabutihan marapat na kalingain sila pag-aralin na magagamit din naman nila para sa kanilang pamumuhay at sa pangkalahatang ikakabuti nila. Kapag naibigay natin ito sa kanila, ito ay madadala nila ang kasiyahang sa sarili na magagamit at magsisislbing kanilang mga binhi na may kinikilalang pagmamahal sa kanilang sarili at mga magulang na sila ay ating inaruga ng buong puso natin na sila’y ating ginabayan.
Marapat din nating ituro sa kanila o sa mga bata ang maging maka-Diyos na karangalang nilalayon ng ganitong kalagayan ay yaong ang bawat tao magulang o bata ay tumawag sa Diyos “Allah” ng tuwiran at pangsarili niyang kapanatagan, kapanagutan ang kanyang mga gawa. Mainam na habang lumalaki ang mga bata na tumatatak sa kanilang puso at isipan na walang tao o bata at magulang na makakapagligtas sa kahit na sino man sa araw ng paghuhukom.
Sa ating mga magulang ang ginampanan nating paghubog ng ugaling pagkatao ng bata ay maliwanag na kinikilala ng Islam. Sa mahusay mainam na payong pangungusap. Kaya’t kalingain natin sila ang ating mga anak na may pagmamahal. Turuan natin ng pakikipag kapwa-tao at mabuting gawa. Kung tayo ay malayo sa kanila at wala tayong kakayahan upang gampanan ito o para gawin ito sa kadahilanan malayo tayo sa kanila marapat natin silang ipagkatiwala an gating mga anak sa ating mga magulang o kapatid na dapat gumawa ng hindi nating magawa kung tayo ay malayo sa kanila. At isa pa sa pinakamatibay na karapatan ng mga bata sa Islam ay karapatang para mabuhay at magkahalintulad na pakikipag sapalaran sa pamumuhay at gayun din ang pag iingat sa kanilang buhay ay kautusan din ng Islam.
Marapat din sa ating mga magulang ang dibdibang pangangalaga sa kanila hanggang maabot ng mga bata ang kanilang wastong gulang o nasa tamang gulang katulad ng nabanggitn ko kanina. Ang Propeta ay nagpahayag na ang bawat bata ay ipinanganak sa tunay na kalagayan na maaring mahubog sa likas na “fitrah”. Nararapat din nating ituro sa ating mga anak ang malinis na likas na kalagayan.
Mga kapatid, halos karamihan sa atin ay mga Balik Islam, nararapat lamang na atin ding ituro sa ating mga anak ang tunay na kagandahan ng pananampalatayang Islam. Huwag nating hayaan na maligaw ang ating mga anak na maging hudyo-kristiyano o maging pagano. Payuhan natin sila ng banal na salita upang huwag silang maligaw pa sa tamang landas.
(Mula sa panulat ni Bro. Yousef Dennis Parrocha)