Ang bawat papuri ay para sa Allah (SWT) lamang, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang pagpapala at kapayapaan ay para kay Propeta Muhammad (SAW) na pinakahuling Propeta at Sugo.
Ang pagmamanman ay ang pagsubaybay sa kapwa nang palihim upang tuklasin ang kanyang mga sekreto, maging ito man ay direktang pagsubaybay o sa pamamagitan ng paggamit ng anumang makateknolohiyang bagay tulad ng telepono at iba pa. Ito ay isang gawaing makapagdulot ng kapinsalaan sa kapwa tungo sa pagkamuhi at away.
Sinabi ng Allah (SWT) sa Banal na Qur-ân:
وَلَا تَجَسَّسُوا. سورة الحجرات
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “At huwag kayong magmanman (sumubaybay nang palihim sa kapwa).” (49: 12).
Sinabi pa ng Allah (SWT) sa Banal na Qur-ân:
وَالَّذِينَ يُؤْذُونَ الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ بِغَيْرِ مَا اكْتَسَبُوا فَقَدِ احْتَمَلُوا بُهْتَانًا وَإِثْمًا مُبِينًا. سورة الأحزاب
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “At silang mga nanliligalig sa mga lalaking nananampalataya at mga babaeng nananampalataya sa kasalanang hindi naman nila nagawa, ay binigyan nila ng pasanin ang kanilang mga sarili ng kasinungalingan at lantad na kasalanan.” (33: 58).
عَنْ مُعَاوِيَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ: إِنَّكَ إِنِ اتَّبَعْتَ عَوْرَاتِ النَّاسِ أَفْسَدْتَهُمْ أَوْ كِدْتَ أَنْ تُفْسِدَهُمْ. رواه أبو دود 4888
Ayon kay Mu’āwiyah (Kalugdan siya ng Allah) kanyang sinabi: Narinig ko ang Sugo ng Allah (SAW) na nagsasabi: “Katotohanang ikaw ay kung mamanmanan mo (subaybayan mo nang palihim) ang mga sekreto ng mga Muslim ay sinira mo sila o kaya’y parang sinisira mo sila.” Iniulat ang hadeeth na ito ni Abū Dāwud (4888).