Ang Pagkain ng Salapi ng Ulila

oa_freeimages_22Bismillah, Alhamdulillah

Ang bawat papuri ay para sa Allah (SWT) lamang, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang pagpapala at kapayapaan ay para kay Propeta Muhammad (SAW) na pinakahuling Propeta at Sugo.

Ang ulila ay ang batang namatay ang kanyang ama o namatay ang kanyang dalawang magulang. Nararapat na maging mabuti ang ating pakikitungo sa mga batang ulila, at kung sakaling walang naiwan sa kanila ng kanilang mga magulang na mga ari-arian ay huwag pakitunguhan sila ng may pang-aapi bagkus arugaan sila at bigyan sila ng panustos, at kung mayroon naming naiwan sa kanila ng kanilang mga magulang na mga ari-arian ay huwag kamkamin ito, ang nararapat na gawin ay pangalagaan ang anumang ari-arian o kayamanan na naiwan sa kanila ng kanilang mga magulang at hihintayin na sila ay sumapit sa wastong gulang. Ang sinumang kumakamkam ng mga salapi o anumang pagmamay-ari ng mga ulila ay para bagang apoy ang kanyang kinakain, at siya ay makakapasok sa naglalagablab na apoy pagdating sa araw ng paghuhukom. Sinabi ng Allah (SWT) sa Banal na Qur’an:

وَآتُوا الْيَتَامَى أَمْوَالَهُمْ وَلَا تَتَبَدَّلُوا الْخَبِيثَ بِالطَّيِّبِ وَلَا تَأْكُلُوا أَمْوَالَهُمْ إِلَى أَمْوَالِكُمْ إِنَّهُ كَانَ حُوبًا كَبِيرًا

Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “At sa mga ulila ay inyong ibigay ang kanilang mga kayamanan (kung sila ay sumapit na sa wastong gulang), at huwag ninyong ipalit ang (inyong) walang halagang bagay sa (kanilang) mahahalagang bagay, at huwag ninyong gamitin ang kanilang mga kayamanan sa inyong mga kayamanan. Katotohanan na ito ay isang malaking kasalanan.” (Surah An-Nisaa 4:2)

إِنَّ الَّذِينَ يَأْكُلُونَ أَمْوَالَ الْيَتَامَى ظُلْمًا إِنَّمَا يَأْكُلُونَ فِي بُطُونِهِمْ نَارًا وَسَيَصْلَوْنَ سَعِيرًا

Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “Katotohanan na silang mga kumakain (kumakamkam) ng mga kayamanan ng mga ulila ng walang katarungan ay kumakain ng apoy sa kanilang mga tiyan; at sila ay makakapasok sa naglalagablab na apoy.” (Surah An-Nisaa 4:10)

وَاعْبُدُوا اللهَ وَلا تُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا وَبِالْوَالِدَيْنِ إِحْسَانًا وَبِذِي الْقُرْبَى وَالْيَتَامَى وَالْمَسَاكِينِ

Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “Sambahin ninyo ang Allah at huwag kayong magtambal ng anuman sa pagsamba sa Kanya, at maging mabait kayo sa mga magulang, mga kamag-anak, mga ulila, mga mahihirap…” (Surah An-Nisaa 4:36)

فَأَمَّا الْيَتِيمَ فَلا تَقْهَرْ

Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “Kaya huwag mong ituring ang ulila ng may pang-aapi.” (Surah Ad-Duhaa 93:9)

Ang pagkain ng salapi ng ulila ay ika-5 sa mga mortal na kasalanan na nabanggit sa Hadeeth ng Propeta.

Related Post