Ang bawat papuri ay para sa Allah (SWT) lamang, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang pagpapala at kapayapaan ay para kay Propeta Muhammad (SAW) na pinakahuling Propeta at Sugo.
Ang pagdududa ng masama sa kapwa ay isang katangian ng taong makitid ang pag-iisip sapagkat ang taong malinis ang budhi ay umiiwas sa maraming pagdududa lalo na kung ito ay sa masama, bagama’t ang ilang pagdududa sa kapwa mananampalataya maging ito man ay kamag-anak, kaibigan, kakilala o hindi kakilala na wala sa tamang katayuan nito ay isang kasalanan.
Sinabi ng Allah (SWT) sa Banal na Qur’ân:
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اجْتَنِبُوا كَثِيرًا مِنَ الظَّنِّ إِنَّ بَعْضَ الظَّنِّ إِثْمٌ. سورة الحجرات
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “O kayong mga nananampalataya! Iwasan ninyo ang maraming pagdududa, katotohanang ang ilang pagdududa ay kasalanan…” (49: 12).
عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: إِيَّاكُمْ وَالظَّنَّ فَإِنَّ الظَّنَّ أَكْذَبُ الْحَدِيثِ. رواه مسلم 2563
Ayon kay Abū Hurayrah (Kalugdan siya ng Allah) kanyang sinabi: Sinabi ng Sugo ng Allah (SAW): “Kayo ay mag-ingat sa pagdududa dahil ang pagdududa ay pinakamasamang kasinungalingan.” Iniulat ang hadeeth na ito ni Muslim (2563).