Ang bawat papuri ay para sa Allâh (SWT) lamang, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang pagpapala at kapayapaan ay para kay Propeta Muhammad (SAW), ang pinakahuling Propeta at Sugo.
Ang mga Muslim ay hindi dapat na magdiwang ng kapanganakan ni Kristo dahil wala ito sa katuruan sa relihiyong Islaam. Narito ang ilan sa mga kadahilanan o katibayan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Ang pagdiwang ng kapanganakan ni Kristo ay isang gawaing taliwas sa Islaam bagkus ito ay kabilang sa mga gawaing pagbabago sa relihiyon. Ayon kay ‘Aaishah (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Sinabi ni Propeta Muhammad (SAW): “Ang sinumang gumawa ng pagbabago na wala sa aming katuruan ay hindi ito matatanggap.” Iniulat ang Hadeeth na ito nina Al-Bukhaari at Muslim, at sa ibang pag-uulat ni Muslim: “Ang sinumang gumawa ng gawain na wala sa aming utos (hindi tugma sa aming gawain) ay hindi ito matatanggap.”
Ang pagdiwang ng kapanganakan ni Kristo ay isang gawaing paggaya sa mga gawain o kaugalian ng mga Kristiyano na kung saan hindi ipinahihintulot sa mga Muslim na kanilang gayahin ito maging nakalantad man o nakalihim na pagsasagawa. Ayon sa isang naisalaysay na Hadeeth, sinabi ni Propeta Muhammad (SAW): “Ang sinumang gumaya sa ibang mga lipon, siya ay kabilang sa kanila.”
Ang pagdiwang ng kapanganakan ni Kristo ay isang gawaing pagpupuri at labis na pagmamahal kay Kristo katulad ng ginagawa ng mga Kristiayano na itinuturing nila siya ng higit pa sa kanyang pagiging Propeta o Sugo. Kaya’t ang huling Propeta at Sugo na si Muhammad (SAW) ay nagbabawal na huwag siyang ituring na gaya ng pagturing ng ibang mga tao kay Hesus (sumakanya ang kapayapaan). Ayon sa isang naisalaysalay na Hadeeth, sinabi ni Propeta Muhammad (SAW): “Huwag ninyo akong puriin (dakilain) ng tulad ng pagpuri (pagdakila) ng mga Kristiyano kay Hesus na anak ni Maria, sapagkat ako ay isang alipin at Sugo lamang ng Allâh.”
Bilang pagsasabi ng katotohanan, maliwanag na ang pagdiwang ng kapanganakan ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan) ay ipinagbabawal sa Islaam bagkus ito ay isang malaking kasalanan na kung kaya’t nararapat natin ito iwasan bilang mga Muslim, mas mainam na iwasan natin ang mga bagay na may ugnayan sa Christmas katulad ng pagbabatihan, pagbibigayan o kaya’y pakikihalubilo sa kanilang pagdiriwang o pyesta.