Ang Suⱨoor ay salitang arabik na ang kahulugan nito ay ang pagkain at pag-inom sa gabi bago sumapit ang bukang liwayway. Ito ay isang kanais-nais na gawain bilang pagsunod kay Propeta Muⱨammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam).
Kapag sinabi na Saⱨoor, ang ibig sabihin nito ay ang pagkain na kinakain sa gabi tuwing buwan ng Ramaḍân.
Sa pamamagitan ng Suⱨoor ay natatamo rito ang kasaganaan o kaya’y biyaya na ipagkakaloob ng Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ). Ayon kay Anas (Raḍi-Allǎhu Ànhu) kanyang sinabi: sinabi ni Propeta Muⱨammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam): “Kayo ay magsuⱨoor (kumain bago magbukang liwayway) sapagkat katotohanang may biyaya sa Suⱨoor.” Napagkasunduan ang Ⱨadeeth na ito nina Al-Bukhâri at Muslim. Tingnan ang Subulus Salâm, Sharⱨ Buloogh Al-Marâm, Ⱨadeeth 11/626, Ikalawang Bahagi, Pahina 165.
Ang mas mainam sa Suⱨoor ay kapag malapit ng sumapit ang Ṣalâtul Fajr, subalit bago dumating ang oras na ito ay tiyaking tapos ng kumain.