1. Obligado (واجب): magiging obligado ang pag-aasawa kapag ang isang lalaki ay naghahangad na mag-asawa at siya’y makakapagtaguyod sa lahat ng mga pangangailangan hinggil dito, at siya ay nangangamba sa kanyang sarili na makagawa ng karumal-dumal na ipinagbabawal tulad ng pangangalunya kung sakaling hindi makapag-asawa.
2. Kanais-nais (مستحب): magiging kanais-nais ang pag-aasawa kapag ang isang lalaki ay naghahangad na mag-asawa at siya’y makakapagtaguyod sa lahat ng mga pangangailangan hinggil dito, at hindi siya nangangamba sa kanyang sarili na makagawa ng karumal-dumal na ipinagbabawal tulad ng pangangalunya kung sakaling hindi makapag-asawa.
3. Kasuklam-suklam (مكروه): magiging kasuklam-suklam ang pag-aasawa kapag ang isang lalaki ay walang hangad na mag-asawa dahil siya’y hindi handa sa kanyang sarili upang gampanan ang karapatan sa pag-aasawa, kahit na siya’y mayaman pa.
4. Ipinagbabawal (محرّم): magiging ipinagbabawal ang pag-aasawa kapag ang isang lalaki ay hindi makakapagtaguyod sa lahat ng mga pangangailangan hinggil dito, at siya’y walang kakayahan sa kanyang sarili upang gampanan ang karapatan sa pag-aasawa at natitiyak niya ito sa kanyang sarili.
5. Ipinahihintulot (مباح): magiging ipinahihintulot ang pag-aasawa kapag ang isang lalaki ay walang nakakahadlang sa kanya na mga kadahilanan o mga ipinagbabawal upang siya’y hindi mag-asawa.