عَنْ ابْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا، أَنَّ رَسُولَ اللهِ صلّى الله عليه وسلّم قَالَ: أُمِرْت أَنْ أُقَاتِلَ النَّاسَ حَتَّى يَشْهَدُوا أَنْ لَا إلَهَ إلَّا اللهُ وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللهِ، وَيُقِيمُوا الصَّلَاةَ، وَيُؤْتُوا الزَّكَاةَ، فَإِذَا فَعَلُوا ذَلِكَ عَصَمُوا مِنِّي دِمَاءَهُمْ وَأَمْوَالَهُمْ إلَّا بِحَقِّ الْإِسْلَامِ، وَحِسَابُهُمْ عَلَى اللهِ تَعَالَى. رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ وَمُسْلِمٌ
Ayon kay Ibnu Omar kalugdan silang dalawa ng Allâh, katotohanan na ang Sugo ng Allâh ay nagsabi:
“Ako ay napag-utusang makipaglaban sa mga tao hanggang sa sila ay magsaksi na walang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allâh at si Muḥammad ay Sugo ng Allâh, at sila ay magsagawa ng Ṣalāh (pagdarasal), at sila ay magbigay ng Zakāh (katungkulang kawang-gawa), datapuwa’t kapag ginawa nila ito (ibig sabihin ay kapag sila ay sumunod) ay matatamo nila mula sa akin ang pagkalinga (o kaya’y proteksyon) sa kanilang mga dugo (o kaya’y buhay) at sa kanilang mga salapi (o kaya’y kayamanan) maliban lamang sa karapatan ng Islām (ibig sabihin ay maliban lamang kung sila ay gagawa ng mga gawain na maaari ng hatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng shari’ah), at ang pagbibilang sa kanila ay nasa Allâh, ang Kataas-taasan (ibig sabihin ay anumang nililihim ng kanilang kalooban na salungat sa kanilang inilalantad ay ang Allah na ang bahala sa kanila).”
Iniulat ang ḥadeeth na ito nina Al-Bukhāri at Muslim.