Ang Pagyakap sa Islām ni Bro. Enrique Gualvez

Ako ay Naakit sa Kaugalian ng mga Tunay na MuslimNagtala ng kasaysayan na ito

Assalamo Alaikom Warahmatullahi Wabarakatu… Enrique Gualvez ang aking pangalan at Rashid sa Islam. Limang taon na akong namamalagi dito sa Kuwait, at bago pa man ako napunta dito sa Kuwait ay nauna akong nagtrabaho sa Saudi Arabia. Ang aking naging buhay sa Saudi ay hindi naging maganda sapagkat lagi akong napapa-away at napansin ko rin na laging magulo ang aking buhay doon. Nagpasiya ako na bumalik sa Pinas, pagkatapos noon ay nag-abroad uli ako at dito na sa Kuwait napadpad.

Sa limang taon kong pamamalagi dito sa Kuwait ay medyo magulo pa rin ang buhay ko at laging may mga dumarating na  mga problema. Matagal na rin akong ina-anyayahan ng aking bayaw na pag-aralan ang Islam subalit ng panahon na yon ay marami pa ring nagiging hadlang sa aking isipan hanggang sa dumating ang panahon na kusang loob kong ginustong alamin ang Islam, sapagkat ako ay naakit sa kaugalian ng mga tunay na Muslim. Naisip ko na sa pagpasok ko sa Islam ay maitutuwid ko ang mali kong pamumuhay.

Alhamdulillah, nang ako ay samahan ng aking bayaw dito sa KPCCenter at naipaliwanag ng isang da’iyah ang tungkol sa relihiyong Islam lalung–lalo na ang pagsamba sa nag-iisang Diyos, ang paniniwala sa lahat ng mga Propeta at ang katotohanan tungkol kay Hesus na kung saan ay hindi ko napag-alaman sa dati kong Relihiyon. Lalong nabuo ang aking pagpapasiya na yakapin ang Islam, sapagkat dito ko lang nalaman na kung bakit tayong mga tao ay nilikha ng Allah.

At dito lang sa Islam ako naging interesado sa Relihiyon na hindi gaya noong ako ay Katoliko, ako ay hindi nagsisimba at wala akong ginawa at iniisip, kundi ang kasiyahan lamang ng aking sarili.

Related Post