عَن ابْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا قَالَ: أَخَذَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بِمَنْكِبَيَّ، وَقَالَ: ”كُنْ فِي الدُّنْيَا كَأَنَّك غَرِيبٌ أَوْ عَابِرُ سَبِيلٍ.“ وَكَانَ ابْنُ عُمَرَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا يَقُولُ: إذَا أَمْسَيْتَ فَلَا تَنْتَظِرْ الصَّبَاحَ، وَإِذَا أَصْبَحْتَ فَلَا تَنْتَظِرْ الْمَسَاءَ، وَخُذْ مِنْ صِحَّتِكَ لِمَرَضِكَ، وَمِنْ حَيَاتِكَ لِمَوْتِكَ. رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ
Ayon kay Ibnu ‘Omar (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Hinawakan ng Sugo ng Allâh (SAW) ang aking dalawang balikat, at kanyang sinabi:
“Gawin mo ang iyong sarili sa mundo na para kang isang dayuhan o kaya’y manlalakbay.”
At si Ibnu ‘Omar (kalugdan siya ng Allâh) ay lagi niyang sinasabi: Kapag ikaw ay abutin ng gabi ay huwag mo ng hintayin ang umaga (gumawa ka ng kabutihan sa gabi at huwag mong ipagpapaliban ito dahil maaaring hindi ka na aabutin ng umaga), at kapag ikaw ay abutin ng umaga ay huwag mo ng hintayin ang gabi (gumawa ka ng kabutihan sa umaga at huwag mong ipagpapaliban ito dahil maaaring hindi ka na aabutin ng gabi).
At samantalahin mo ang iyong kalusugan para sa iyong pagkasakit, at ang iyong buhay para sa iyong kamatayan.
Iniulat ni Al-Bukhāriy (6416).