عَنْ أَبِي هُرَيْرَة رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُول اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: ”إنَّ اللهَ تَعَالَى قَالَ: مَنْ عَادَى لِي وَلِيًّا فَقْد آذَنْتهُ بِالْحَرْبِ، وَمَا تَقَرَّبَ إلَيَّ عَبْدِي بِشَيْءٍ أَحَبَّ إلَيَّ مِمَّا افْتَرَضْتُهُ عَلَيْهِ، وَلَا يَزَالُ عَبْدِي يَتَقَرَّبُ إلَيَّ بِالنَّوَافِلِ حَتَّى أُحِبَّهُ، فَإِذَا أَحْبَبْتُهُ كُنْت سَمْعَهُ الَّذِي يَسْمَعُ بِهِ، وَبَصَرَهُ الَّذِي يُبْصِرُ بِهِ، وَيَدَهُ الَّتِي يَبْطِشُ بِهَا، وَرِجْلَهُ الَّتِي يَمْشِي بِهَا، وَلَئِنْ سَأَلَنِي لَأُعْطِيَنَّهُ، وَلَئِنْ اسْتَعَاذَنِي لَأُعِيذَنَّهُ.“ رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ
Ayon kay Abū Hurayrah (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Sinabi ng Sugo ng Allâh (SAW):
“Katotohanan ang Allâh (SWT) ay nagsabi: Ang sinumang kumalaban sa Aking kapanalig (ang mananampalatayang matakutin sa Allâh), ipatalastas Ko na Ako ang magiging kaaway niya. Ang pinakamainam na mga gawain upang mapalapit sa Akin ang Aking alipin ay sa pamamagitan ng pagsasagawa niya sa anumang Aking ipinag-utos sa kanya. At patuloy na mapapalapit sa Akin ang Aking alipin sa pamamagitan ng pagsasagawa niya ng mga boluntaryong pagsamba (sunnah) hanggang sa siya ay Aking mahalin.
At kapag siya ay Aking minahal pangangalagaan Ko ang kanyang pandinig na ginagamit niya sa kanyang pakikinig, at ang kanyang paningin na ginagamit niya sa kanyang pagtingin, at ang kanyang kamay na ginagamit niya sa kanyang panghampas, at ang kanyang paa na ginagamit niya sa kanyang paglakad.
At kung siya ay maghingi sa Akin ay bibigyan Ko siya, at kung siya ay magpapakupkop sa Akin ay kukupkupin Ko siya.”
Iniulat ni Al-Bukhāriy (6502).