عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، عَنْ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: ”مَنْ نَفَّسَ عَنْ مُؤْمِنٍ كُرْبَةً مِنْ كُرَبِ الدُّنْيَا نَفَّسَ اللَّهُ عَنْهُ كُرْبَةً مِنْ كُرَبِ يَوْمِ الْقِيَامَةِ. وَمَنْ يَسَّرَ عَلَى مُعْسِرٍ، يَسَّرَ اللهُ عَلَيْهِ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ. وَمَنْ سَتَرَ مُسْلِما سَتَرَهُ اللهُ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ. وَاللهُ فِي عَوْنِ الْعَبْدِ مَا كَانَ الْعَبْدُ فِي عَوْنِ أَخِيهِ. وَمَنْ سَلَكَ طَرِيقًا يَلْتَمِسُ فِيهِ عِلْمًا سَهَّلَ اللهُ لَهُ بِهِ طَرِيقًا إلَى الْجَنَّةِ. وَمَا اجْتَمَعَ قَوْمٌ فِي بَيْتٍ مِنْ بُيُوتِ اللهِ يَتْلُونَ كِتَابَ اللهِ، وَيَتَدَارَسُونَهُ فِيمَا بَيْنَهُمْ، إلَّا نَزَلَتْ عَلَيْهِمْ السَّكِينَةُ، وَغَشِيَتْهُمْ الرَّحْمَةُ، وَخَفَّتْهُمُ الْمَلَائِكَةُ، وَذَكَرَهُمْ اللهُ فِيمَنْ عِنْدَهُ. وَمَنْ بَطَّأَ بِهِ عَمَلُهُ لَمْ يُسْرِعْ بِهِ نَسَبُهُ.“ رَوَاهُ مُسْلِمٌ (2699) بهذا اللفظ
Ayon kay Abū Hurayrah (kalugdan siya ng Allâh), ayon sa Propeta (SAW) kanyang sinabi:
“Ang sinumang alisin niya (sa kanyang kapatid na) mananampalataya ang kalungkutan (pighati o dalamhati) mula sa mga kalungkutan sa mundo ay aalisin ng Allâh sa kanya ang kalungkutan mula sa mga kalungkutan sa Araw ng Paghuhukom.
At ang sinumang paginhawain niya (ang kanyang kapatid na) nasa kagipitan (kahirapan) ay pagiginhawain siya ng Allâh sa mundo at sa Kabilang Buhay.
At ang sinumang pagtakpan niya ang (kanyang kapatid na) Muslim ay pagtatakpan siya ng Allâh sa mundo at sa Kabilang Buhay.
Ang Allâh ay matulungin sa (Kanyang) alipin habang ang alipin ay matulungin sa kanyang kapatid.
At ang sinumang tumahak sa landas upang manaliksik ng kaalaman ay pagagaanin ng Allâh para sa kanya ang landas patungo sa Paraiso.
At walang pagtitipon-tipon ng mga tao sa isang Bahay (Masjid) mula sa mga Bahay ng Allâh na binibigkas nila ang Aklat (Qur’ān) ng Allâh, at pinag-aaralan nila ito sa pagitan nila, maliban sa ibababa sa kanila ang kapanatagan, at babalutin sila ng awa (habag ng Allâh), at papalibutan sila ng mga anghel, at babanggitin sila ng Allâh sa mga malalapit sa Kanya.
At ang sinumang makupad sa kanyang mga gawain ay hindi mapapabilis nito ng kanyang angkan (hindi makakapakinabang sa kanya ang kanyang angkan).”
Iniulat ni Muslim (2699) sa ganyan ding pagbigkas.