عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: ”لَا تَحَاسَدُوا، وَلَا تَنَاجَشُوا، وَلَا تَبَاغَضُوا، وَلَا تَدَابَرُوا، وَلَا يَبِعْ بَعْضُكُمْ عَلَى بَيْعِ بَعْضٍ، وَكُونُوا عِبَادَ اللهِ إخْوَانًا. الْمُسْلِمُ أَخُو الْمُسْلِمِ، لَا يَظْلِمُهُ، وَلَا يَخْذُلُهُ، وَلَا يَكْذِبُهُ، وَلَا يَحْقِرُهُ. التَّقْوَى هَاهُنَا – وَيُشِيرُ إلَى صَدْرِهِ ثَلَاثَ مَرَّاتٍ – بِحَسْبِ امْرِئٍ مِنَ الشَّرِّ أَنْ يَحْقِرَ أَخَاهُ الْمُسْلِمَ. كُلُّ الْمُسْلِمِ عَلَى الْمُسْلِمِ حَرَامٌ: دَمُهُ وَمَالُهُ وَعِرْضُهُ.“ رَوَاهُ مُسْلِمٌ
Ayon kay Abū Hurayrah (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Sinabi ng Sugo ng Allâh (SAW):
“Huwag kayong magkainggitan, at huwag kayong magtaasan ng presyo (huwag magsabi ng dagdag sa halaga ng ibinebenta upang siraan ang namimili o kaya’y magkaroon ng pakinabang ang nagbebenta), at huwag kayong magkagalitan, at huwag kayong magtalikuran (magkakasalungatan), at huwag bentahan ng iba sa inyo ang binebentahan ng iba (sasabihing bibigyan kita ng mas mababang presyo), at gawin ninyong tunay na alipin ng Allâh bilang magkakapatid (sa pananampalataya).
Ang Muslim ay kapatid niya ang kapwa Muslim, huwag niyang dayahin, at huwag niyang pabayaan, at huwag niyang pagsinungalingan, at huwag niyang maliitin.
Ang pagkatakot sa Allâh ay nandito – at itiuro niya (Propeta) ang kanyang dibdib (puso) ng tatlong beses – sapat na ang kasamaan ng taong minamaliit niya ang kanyang kapatid na Muslim. Ang bawat Muslim laban sa kapwa Muslim ay ipinagbabawal: Ang kanyang dugo, at ang kanyang kayamanan, at ang kanyang karangalan.”
Iniulat ni Muslim (2564).