عَنْ أَبِي سَعِيدٍ الْخُدْرِيّ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ: ”مَنْ رَأَى مِنْكُمْ مُنْكَرًا فَلْيُغَيِّرْهُ بِيَدِهِ، فَإِنْ لَمْ يَسْتَطِعْ فَبِلِسَانِهِ، فَإِنْ لَمْ يَسْتَطِعْ فَبِقَلْبِهِ، وَذَلِكَ أَضْعَفُ الْإِيمَان.“ رَوَاهُ مُسْلِمٌ
Ayon kay Abū Sa‘eed Al-Khudriy (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Narinig ko ang Sugo ng Allâh (SAW) na nagsasabi:
“Sinuman sa inyo ang makakita ng gawaing masama ay baguhin niya ito sa pamamagitan ng kanyang kamay (pigilan niya para hindi magawa ang masama), at kung hindi niya kaya ay sa pamamagitan ng kanyang dila (pagsabihan niya na huwag gawin ang masama), at kung hindi niya kaya ay sa pamamagitan ng kanyang puso (kasusuklaman niya ang gawaing masama), at iyan ang pinakamahinang (antas ng) pananampalataya.”
Iniulat ni Muslim (49).