عَن ابْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا، أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: ”لَوْ يُعْطَى النَّاسُ بِدَعْوَاهُمْ لَادَّعَى رِجَالٌ أَمْوَالَ قَوْمٍ وَدِمَاءَهُمْ، لَكِنَّ الْبَيِّنَةَ عَلَى الْمُدَّعِي، وَالْيَمِينَ عَلَى مَنْ أَنْكَرَ.“ حَدِيثٌ حَسَنٌ. رَوَاهُ الْبَيْهَقِيّ وَغَيْرُهُ هَكَذَا، وَبَعْضُهُ فِي الصَّحِيحَيْنِ
Ayon kay Ibnu ‘Abbās (kalugdan siya ng Allâh), katotohanang ang Sugo ng Allâh (SAW) ay nagsabi:
“Kung pagbibigyan ang mga tao sa kanilang mga pag-aangkin (kahilingan) ay katiyakang aangkinin ng mga kalalakihan (na mga walang pagkatakot sa Allâh) ang mga kayamanan ng ibang tao at ang kanilang mga dugo (ipagbibintang nila ang isang krimen sa kanilang kapwa), subalit ang paglalahad ng katibayan ay nararapat sa sinumang umaangkin, at ang panunumpa ay nararapat sa sinumang tumanggi.”
Mabuting Ḫadeeth. Iniulat ni Al-Bayhaqiy at iba pa ng ganyan din, at ang bahagi nito ay nakasulat sa dalawang Ṣaḫeeḫ (dalawang matatag na aklat bilang koleksyon na mga Ḫadeeth nina Al-Bukhāriy at Muslim).