عَنْ أَبِي سَعِيدٍ سَعْدِ بن مَالِكِ بن سِنَانٍ الْخُدْرِيّ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: ”لَا ضَرَرَ وَلَا ضِرَارَ.“ حَدِيثٌ حَسَنٌ. رَوَاهُ ابْنُ مَاجَهْ (2341)، وَالدَّارَقُطْنِيّ وَغَيْرُهُمَا مُسْنَدًا. وَرَوَاهُ مَالِكٌ فِي “الْمُوَطَّأ” مُرْسَلًا عَنْ عَمْرِو بن يَحْيَى، عَنْ أَبِيهِ، عَنْ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ، فَأَسْقَطَ أَبَا سَعِيدٍ، وَلَهُ طُرُقٌ يُقَوِّي بَعْضُهَا بَعْضًا
Ayon kay Abū Sa‘eed Sa‘d anak ni Mālik na anak ni Sinān Al-Khudriy (kalugdan siya ng Allâh), katotohanang ang Sugo ng Allâh (SAW) ay nagsabi:
“Huwag maminsala at huwag hayaang mapinsala (o huwag gumanti ng pamiminsala).”
Mabuting Ḫadeeth. Iniulat ni Ibnu Mājah (2341), at Ad-Dāraqutniy at iba pa bilang Musnad (may koneksyon ang pagkakasunud-sunod ng mga taong mananalaysay hanggang sa Propeta). At iniulat ni Mālik sa “Al-Muwaṭṭa’” bilang Mursal (nagtapos ang pagkakasalaysay sa isang Tabi‘ey (taong tagasunod na naabutan niya ang kasamahan ng Propeta) at hindi sinabi kung sinong kasamahan ng Proepta ang pinagmulan nito) ayon kay ‘Amr na anak ni Yaḫyā, ayon sa kanyang ama, ayon sa Propeta (SAW), at inalis si Abū Sa‘eed, at mayroon siyang ibang ṭuruq (mga pinanggalingan) na nagpapalakas sa isa’t isa.