عَنْ أَبِي الْعَبَّاسِ سَهْلِ بن سَعْدٍ السَّاعِدِيّ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: جَاءَ رَجُلٌ إلَى النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقَالَ: يَا رَسُولَ اللهِ! دُلَّنِي عَلَى عَمَلٍ إذَا عَمِلْتُهُ أَحَبَّنِي اللهُ وَأَحَبَّنِي النَّاسُ. فَقَالَ: ”ازْهَدْ فِي الدُّنْيَا يُحِبُّك اللهُ، وَازْهَدْ فِيمَا عِنْدَ النَّاسِ يُحِبُّك النَّاسُ.“ حديث حسن. رَوَاهُ ابْنُ مَاجَهْ (4102) وَغَيْرُهُ بِأَسَانِيدَ حَسَنَةٍ
Ayon Abū Al-‘Abbās Sahl na anak ni Sa‘d As-Sā‘ediy (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Dumating ang isang lalaki sa Propeta (SAW) at kanyang sinabi: O Sugo ng Allâh! Turuan mo ako ng isang gawain na kapag ito ay aking ginawa ay mamahalin ako ng Allâh at mamahalin ako ng mga tao. At kanyang sinabi:
“Umiwas ka sa mga makamundong bagay (na hindi mapapakinabangan sa Kabilang Buhay) at mamahalin ka ng Allâh, at umiwas ka sa anumang pag-aari ng mga tao (huwag pakikialaman ang mga bagay na nasa kanilang mga kamay) at mamahalin ka ng mga tao.”
Mabuting Ḫadeeth. Iniulat ni Ibnu Mājah (4102) at iba pa na kung saan ay mabuti ang mga pagkakasunud-sunod ng mga taong mananalaysay hanggang sa marating ang pinagmulan nito.