30- Awa Para Sa Inyo

عَنْ أَبِي ثَعْلَبَةَ الْخُشَنِيِّ جُرْثُومِ بن نَاشِرٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، عَنْ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَال: ”إنَّ اللهَ فَرَضَ فَرَائِضَ فَلَا تُضَيِّعُوهَا، وَحَدَّ حُدُودًا فَلَا تَعْتَدُوهَا، وَحَرَّمَ أَشْيَاءَ فَلَا تَنْتَهِكُوهَا، وَسَكَتَ عَنْ أَشْيَاءَ رَحْمَةً لَكُمْ غَيْرَ نِسْيَانٍ فَلَا تَبْحَثُوا عَنْهَا.“ حَدِيثٌ حَسَنٌ. رَوَاهُ الدَّارَقُطْنِيّ وَغَيْرُهُ

Ayon kay Abū Tha‘labah Al-Khushaniy Jurthūm na anak ni Nāshir (kalugdan siya ng Allâh), ayon sa Sugo ng Allâh (SAW) kanyang sinabi:

“Katotohanang ang Allâh ay nag-utos ng mga obligasyon (mga tungkulin na nararapat gawin) kaya huwag ninyo itong pabayaan, at naglagay ng mga hangganan (mga ipinahihintulot at mga ipinagbabawal) kaya huwag ninyo itong lagpasan, at nagbawal ng mga bagay (na nararapat iwasan) kaya huwag ninyo itong labagin, at may mga bagay na hindi Niya binanggit (kung ito ba ay ipinagbabawal o ipinag-uutos) bilang awa para sa inyo hindi dahil sa pagkalimot kaya huwag na ninyo itong hanapin (o itanong).”

Mabuting Ḫadeeth. Iniulat ni Ad-Dāraqutniy at iba pa.

Related Post