عَنْ مُعَاذِ بن جَبَلٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: قُلْتُ يَا رَسُولَ اللهِ! أَخْبِرْنِي بِعَمَلٍ يُدْخِلُنِي الْجَنَّةَ وَيُبَاعِدْنِي مِنَ النَّارِ، قَالَ: ”لَقَدْ سَأَلْتَ عَنْ عَظِيمٍ، وَإِنَّهُ لَيَسِيرٌ عَلَى مَنْ يَسَّرَهُ اللهُ عَلَيْهِ: تَعْبُدُ اللهَ لَا تُشْرِكُ بِهِ شَيْئًا، وَتُقِيمُ الصَّلَاةَ، وَتُؤْتِي الزَّكَاةَ، وَتَصُومُ رَمَضَانَ، وَتَحُجُّ الْبَيْتَ، ثُمَّ قَالَ: أَلَا أَدُلُّكَ عَلَى أَبْوَابِ الْخَيْرِ؟ الصَّوْمُ جُنَّةٌ، وَالصَّدَقَةُ تُطْفِئُ الْخَطِيئَةَ كَمَا يُطْفِئُ الْمَاءُ النَّارَ، وَصَلَاةُ الرَّجُلِ فِي جَوْفِ اللَّيْلِ، ثُمَّ تَلَا: تَتَجَافَى جُنُوبُهُمْ عَنِ الْمَضَاجِعِ… حَتَّى بَلَغَ يَعْمَلُونَ، ثُمَّ قَالَ: أَلَا أُخْبِرُكَ بِرَأْسِ الْأَمْرِ وَعَمُودِهِ وَذُرْوَةِ سَنَامِهِ؟ قُلْتُ: بَلَى يَا رَسُولَ اللهِ. قَالَ: رَأْسُ الْأَمْرِ الْإِسْلَامُ، وَعَمُودُهُ الصَّلَاةُ، وَذُرْوَةُ سَنَامِهِ الْجِهَادُ، ثُمَّ قَالَ: أَلَا أُخْبِرُكَ بِمَلَاكِ ذَلِكَ كُلِّهِ؟ فقُلْتُ: بَلَى يَا رَسُولَ اللهِ. فَأَخَذَ بِلِسَانِهِ وَقَالَ: كُفَّ عَلَيْكَ هَذَا. قُلْتُ: يَا نَبِيَّ اللهِ وَإِنَّا لَمُؤَاخَذُونَ بِمَا نَتَكَلَّمُ بِهِ؟ فَقَالَ: ثَكِلَتْكَ أُمُّكَ يَا مُعَاذُ، وَهَلْ يَكُبُّ النَّاسَ عَلَى وُجُوهِهِمْ – أَوْ قَالَ: عَلَى مَنَاخِرِهِمْ – إلَّا حَصَائِدُ أَلْسِنَتِهِمْ؟!.“ رَوَاهُ التِّرْمِذِيُّ (2616) وَقَالَ: حَدِيثٌ حَسَنٌ صَحِيحٌ
Ayon kay Mu‘aadh na anak ni Jabal (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Aking sinabi, O Sugo ng Allâh! Banggitin mo sa akin ang isang gawain na makapagpapasok sa akin sa Paraiso at makapaglalayo sa akin sa Impiyerno. Kanyang sinabi: “Katiyakang ikaw ay nagtanong tungkol sa isang malaking bagay, at katotohanang ito ay magaan para sa sinumang ginawang magaan ng Allâh: Sambahin mo ang Allâh at huwag kang magtambal ng anuman sa Kanya, at isagawa mo ang pagdarasal, at ibigay mo ang katungkulang kawang-gawa, at mag-ayuno ka sa (buwan ng) Ramaḍān, at magperegrinasyon ka sa Bahay (Ka‘bah). Pagkatapos ay kanyang sinabi: Babangitin ko ba sa iyo ang mga pintuan ng kabutihan? Ang pag-aayuno ay panangga, at ang kawang-gawa ay pinapatay niya ang pagkakasala katulad ng pagpatay ng tubig sa apoy, at ang pagdarasal ng isang lalaki sa kalagitnaan ng gabi. Pagkatapos ay kanyang binasa:
{Ibinabangon nila ang kanilang mga sarili mula sa higaan upang sila ay manalangin sa kanilang Panginoon na may pangangamba at pag-aasam, at mula sa mga kabuhayan na Aming ipinagkaloob sa kanila ay ginugugol nila. At walang tao ang nakakaalam kung ano ang itinagong lihim para sa kanila na kalugud-lugod sa mga mata bilang gantimpala sa anumang kanilang ginawa} (32:16-17).
Pagkatapos ay kanyang sinabi: Babanggitin ko ba sa inyo ang ulo ng kautusan (relihiyon) at ang haligi nito, at ang tugatog nito? Aking sinabi: Opo O Sugo ng Allâh. Kanyang sinabi: Ang ulo ng kautusan (relihiyon) ay ang Islām, at ang haligi nito ay ang pagdarasal, at ang tugatog nito ay ang jihād. Pagkatapos ay kanyang sinabi: Babanggitin ko ba sa iyo ang may pananagutan sa lahat ng mga ito? At aking sinabi: Opo O Sugo ng Allâh. Kaya hinawakan niya ang kanyang dila at kanyang sinabi: Pigilan mo ito. Aking sinabi: O Propeta ng Allâh! Katotohanang kami ba ay parurusahan dahil sa anumang aming nasasabi? At kanyang sinabi: Kawalan ka ng nanay mo O Mu‘aadh (sapagkat nakapagtatakang tanong na hindi akalain ng Propeta na manggaling pa ito kay Mu‘aadh), at sa palagay mo ba ay isusubsob ang mga tao sa Impiyerno dahil sa kanilang mga mukha – o kaya’y kanyang sinabi: dahil sa kanilang mga butas ng ilong – maliban sa mga naaani ng kanilang mga dila.”
Iniulat ni At-Tirmidhiy (2616) at sinabi niya: Mabuti at matatag na Ḫadeeth.