عَنْ أَبِي نَجِيحٍ الْعِرْبَاضِ بن سَارِيَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: وَعَظَنَا رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ مَوْعِظَةً وَجِلَتْ مِنْهَا الْقُلُوبُ، وَذَرَفَتْ مِنْهَا الْعُيُونُ، فَقُلْنَا: يَا رَسُولَ اللهِ! كَأَنَّهَا مَوْعِظَةُ مُوَدِّعٍ فَأَوْصِنَا، قَالَ: ”أُوصِيكُمْ بِتَقْوَى اللهِ، وَالسَّمْعِ وَالطَّاعَةِ وَإِنْ تَأَمَّرَ عَلَيْكُمْ عَبْدٌ، فَإِنَّهُ مَنْ يَعِشْ مِنْكُمْ فَسَيَرَى اخْتِلَافًا كَثِيرًا، فَعَلَيْكُمْ بِسُنَّتِي وَسُنَّةِ الْخُلَفَاءِ الرَّاشِدِينَ الْمَهْدِيينَ، عَضُّوا عَلَيْهَا بِالنَّوَاجِذِ، وَإِيَّاكُمْ وَمُحْدَثَاتِ الْأُمُورِ، فَإِنَّ كُلَّ مُحْدَثَةٍ بِدْعَةٌ، وَكُلَّ بِدْعَةٍ ضَلَالَةٌ.“ رَوَاهُ أَبُو دَاوُدَ (4607) وَاَلتِّرْمِذِيُّ (2676) وَقَالَ: حَدِيثٌ حَسَنٌ صَحِيحٌ
Ayon kay Abū Najeeḫ Al-‘Erbāḍ na anak ni Sāriyah (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: “Kami ay pinangaralan ng Sugo ng Allâh (SAW) ng isang pangaral na nakakapagpabagabag ng mga puso, at nakakapagpaluha ng mga mata, at aming sinabi: O Sugo ng Allâh! Parang ito ay pangaral na pamamaalam kaya payuhan mo kami.
Kanyang sinabi: “Kayo ay aking pinapayuhan ng pagkatakot sa Allâh, at ang pakikinig at pagsunod (sa pinuno) kahit na alipin pa ang mamumuno sa inyo, at katotohanang ang sinumang mamuhay ng matagal sa inyo ay tiyak na makikita niya ang maraming pagtatalo-talo (sa relihiyon o kaya’y sa pinuno), kaya manatili kayo sa aking sunnah (daan), at sa sunnah ng mga Khulafā Ar- Rāshidūn (mga makatarungang caliph tulad nila Abū Bakr, ‘Omar, ‘Othmān at ‘Ali na kung saan ay napatnubayan ng tama), at kayo ay kumapit dito ng mahigpit, at kayo ay mag-ingat sa mga gawaing pagbabago sa mga bagay (hinggil sa relihiyon), sapagkat katotohanang bawat ginawang bago ay bid‘ah (pagbabago sa relihiyon), at ang bawat bid‘ah ay maliligaw ng landas.”
Iniulat nina Abū Dāwud (4607) at At-Tirmidhiy (2676) at sinabi niya: Mabuti at matatag na Ḫadeeth.