27- Ang Kabutihan At Kasalanan

عَنْ النَّوَّاسِ بن سَمْعَانَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، عَنْ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: ”الْبِرُّ حُسْنُ الْخُلُقِ، وَالْإِثْمُ مَا حَاكَ فِي نَفْسِكَ، وَكَرِهْتَ أَنْ يَطَّلِعَ عَلَيْهِ النَّاسُ.“ رَوَاهُ مُسْلِمٌ

وَعَنْ وَابِصَةَ بن مَعْبَدٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: أَتَيْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقَالَ: ”جِئْتَ تَسْأَلُ عَنِ الْبِرِّ وَالْإِثْمِ؟ قُلْتُ: نَعَمْ. قَالَ: اسْتَفْتِ قَلْبَكَ، البِرُّ مَا اطْمَأَنَّتْ إلَيْهِ النَّفْسُ، وَاطْمَأَنَّ إلَيْهِ الْقَلْبُ، وَالْإِثْمُ مَا حَاكَ فِي النَّفْسِ وَتَرَدَّدَ فِي الصَّدْرِ، وَإِنْ أَفْتَاكَ النَّاسُ وَأَفْتَوْكَ.“ حَدِيثٌ حَسَنٌ. رَوَيْنَاهُ في مُسْنَدَي الإِمَامَيْنِ أَحْمَدَ بن حَنْبَلٍ، وَالدَّارِمِيّ بِإِسْنَادٍ حَسَنٍ

Ayon kay An-Nawwās na anak ni Sam‘ān (kalugdan siya ng Allâh), ayon sa Propeta (SAW) kanyang sinabi: “Ang kabutihan (o katuwiran) ay kagandahang-asal, at ang kasalanan ay anumang pag-aagam-agam sa iyong sarili, at kinasusuklaman mong malaman ito ng mga tao.” Iniulat ni Muslim (2553).

At ayon kay Wābiṣah na anak ni Ma‘bad (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Ako ay pumunta sa Sugo ng Allâh (SAW) at kanyang sinabi: “Ikaw ba ay naparito upang itanong ang tungkol sa kabutihan (o katuwiran) at kasalanan?” Aking sinabi: Opo. Kanyang sinabi: “Isangguni mo sa iyong puso, ang kabutihan (o katuwiran) ay anumang kapanatagan na nararamdaman ng sarili, at kapanatagan na nararamdaman ng puso, at ang kasalanan ay anumang pag-aagam-agam sa sarili at pag-aalinlangan sa dibdib (puso), at kahit pa paulit-ulit kang payuhan ng mga tao.”

Mabuting Ḫadeeth. Mula ito sa dalawang Musnad (koleksyon na mga Ḫadeeth na magkakasunud-sunod ang mga taong mananalaysay) ng dalawang Imām na si Aḫmad na anak ni Ḫanbal at si Ad-Dārimiy na kung saan ay mabuti ang pagkakasunud-sunod ng mga taong mananalaysay hanggang sa marating ang pinagmulan nito.

Related Post