عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: ”كُلُّ سُلَامَى مِنَ النَّاسِ عَلَيْهِ صَدَقَةٌ، كُلَّ يَوْمٍ تَطْلُعُ فِيهِ الشَّمْسُ: تَعْدِلُ بَيْنَ اثْنَيْنِ صَدَقَةٌ، وَتُعِينُ الرَّجُلَ فِي دَابَّتِهِ فَتَحْمِلُهُ عَلَيْهَا أَوْ تَرْفَعُ لَهُ عَلَيْهَا مَتَاعَهُ صَدَقَةٌ، وَالْكَلِمَةُ الطَّيِّبَةُ صَدَقَةٌ، وَبِكُلِّ خُطْوَةٍ تَمْشِيهَا إلَى الصَّلَاةِ صَدَقَةٌ، وَتُمِيطُ الْأَذَى عَنْ الطَّرِيقِ صَدَقَةٌ.“ رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ وَمُسْلِمٌ
Ayon kay Abū Hurayrah (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Sinabi ng Sugo ng Allâh (SAW):
“Bawat kasukasuan (at mga buto) ng mga tao ay dapat mayroong kawang-gawa (bilang pasasalamat), sa bawat araw (umaga) na sisikat ang araw: Hahatulan mo ng makatarungan ang pagitan ng dalawang magkaalitan ay kawang-gawa, at tutulungan mo ang isang lalaki sa kanyang hayop (sasakyan) kung saan ay pasasakayin mo siya o kaya’y ikakarga mo para sa kanya ang kanyang gamit ay kawang-gawa, at ang pagsasalita ng mabuti ay kawang-gawa, at sa bawat hakbang mo sa iyong paglakad patungo sa pagdarasal ay kawang-gawa, at aalisin mo ang anumang bagay na makakapinsala sa daan ay kawang-gawa.”
Iniulat nina Al-Bukhāriy (2989) at Muslim (1009).