عَنْ أَبِي ذَرٍّ الْغِفَارِيِّ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِيمَا يَرْوِيهِ عَنْ رَبِّهِ عَزَّ وَجَلَّ أَنَّهُ قَالَ: ”يَا عِبَادِي! إنِّي حَرَّمْتُ الظُّلْمَ عَلَى نَفْسِي، وَجَعَلْتُهُ بَيْنَكُمْ مُحَرَّمًا، فَلَا تَظَالَمُوا. يَا عِبَادِي! كُلُّكُمْ ضَالٌّ إِلَّا مَنْ هَدَيْتُهُ، فَاسْتَهْدُونِي أَهْدِكُمْ. يَا عِبَادِي! كُلُّكُمْ جَائِعٌ إلَّا مَنْ أَطْعَمْتُهُ، فَاسْتَطْعِمُونِي أُطْعِمْكُمْ. يَا عِبَادِي! كُلُّكُمْ عَارٍ إلَّا مَنْ كَسَوْتُهُ، فَاسْتَكْسُونِي أَكْسُكُمْ. يَا عِبَادِي! إِنَّكُمْ تُخْطِئُونَ بِاللَّيْلِ وَالنَّهَارِ، وَأَنَا أَغْفِرُ الذُّنُوبَ جَمِيعًا، فَاسْتَغْفِرُونِي أَغْفِرْ لَكُمْ. يَا عِبَادِي! إنَّكُمْ لَنْ تَبْلُغُوا ضُرِّي فَتَضُرُّونِي، وَلَنْ تَبْلُغُوا نَفْعِي فَتَنْفَعُونِي. يَا عِبَادِي! لَوْ أَنَّ أَوَّلَكُمْ وَآخِرَكُمْ وَإِنْسَكُمْ وَجِنَّكُمْ كَانُوا عَلَى أَتْقَى قَلْبِ رَجُلٍ وَاحِدٍ مِنْكُمْ، مَا زَادَ ذَلِكَ فِي مُلْكِي شَيْئًا. يَا عِبَادِي! لَوْ أَنَّ أَوَّلَكُمْ وَآخِرَكُمْ وَإِنْسَكُمْ وَجِنَّكُمْ كَانُوا عَلَى أَفْجَرِ قَلْبِ رَجُلٍ وَاحِدٍ مِنْكُمْ، مَا نَقَصَ ذَلِكَ مِنْ مُلْكِي شَيْئًا. يَا عِبَادِي! لَوْ أَنَّ أَوَّلَكُمْ وَآخِرَكُمْ وَإِنْسَكُمْ وَجِنَّكُمْ قَامُوا فِي صَعِيدٍ وَاحِدٍ، فَسَأَلُونِي، فَأَعْطَيْتُ كُلَّ وَاحِدٍ مَسْأَلَتَهُ، مَا نَقَصَ ذَلِكَ مِمَّا عِنْدِي إلَّا كَمَا يَنْقُصُ الْمِخْيَطُ إذَا أُدْخِلَ الْبَحْرَ. يَا عِبَادِي! إنَّمَا هِيَ أَعْمَالُكُمْ أُحْصِيهَا لَكُمْ، ثُمَّ أُوَفِّيكُمْ إيَّاهَا، فَمَنْ وَجَدَ خَيْرًا فَلْيَحْمَدِ اللهَ، وَمَنْ وَجَدَ غَيْرَ ذَلِكَ فَلَا يَلُومَنَّ إلَّا نَفْسَهُ.“ رَوَاهُ مُسْلِمٌ2577
Ayon kay Abū Dharr Al-Ghaffāriy (kalugdan siya ng Allâh), ayon sa Propeta (SAW) at kabilang sa kanyang isinalaysay mula sa kanyang Panginoon (‘Azza Wajalla) ay katotohanang Kanyang sinabi: “O Aking mga alipin! Katotohanang Aking ipinagbawal sa Aking sarili ang kawalng-katarungan, at Aking ginawa ito sa pagitan ninyo na bawal, kaya huwag kayong makitungo ng hindi makatarungan.
O Aking mga alipin! Kayong lahat ay naliligaw maliban lamang sa sinumang Aking pinatnubayan, kaya humingi kayo sa Akin ng patnubay at kayo ay Aking papatnubayan.
O Aking mga alipin! Kayong lahat ay nagugutom maliban lamang sa sinumang Aking pinakain, kaya humingi kayo sa Akin ng pagkain at kayo ay Aking pakakainin.
O Aking mga alipin! Kayong lahat ay nakahubad maliban lamang sa sinumang Aking binihisan, kaya humingi kayo sa Akin ng damit at kayo ay Aking bibihisan.
O Aking mga alipin! Katotohanang kayo ay nagkakamali sa gabi at araw, at Ako ang nagpapatawad sa lahat ng mga kasalanan, kaya humingi kayo sa akin ng kapatawaran at kayo ay Aking patatawarin.
O Aking mga alipin! Katotohanang kayo kailanman ay hindi ninyo maaabot na bigyan Ako ng kasiraan upang Ako ay masisira ninyo, at kailanman ay hindi ninyo maaabot na bigyan Ako ng pakinabang upang Ako ay matulungan ninyo.
O Aking mga alipin! Kung ang una sa inyo at ang huli sa inyo, at ang tao sa inyo at ang Jinn sa inyo ay kasintulad ng higit na may pagkatakot (pagkabanal) na puso ng isang lalaki mula sa inyo, hindi ito makakadagdag sa Aking kaharian ng kahit kaunti.
O Aking mga alipin! Kung ang una sa inyo at ang huli sa inyo, at ang tao sa inyo at ang Jinn sa inyo ay kasintulad ng may higit na may pagkaimoral (pagkasalaula) na puso ng isang lalaki mula sa inyo, hindi ito makakabawas sa Aking kaharian ng kahit kaunti.
O Aking mga alipin! Kung ang una sa inyo at huli sa inyo, at ang tao sa inyo at ang Jinn sa inyo ay tumayo sa isang lugar at sila at humingi sa Akin, at ibinigay Ko sa bawat isa ang kanyang hinihingi, hindi ito makakabawas sa anumang nandito sa Akin maliban lamang na mababawas ay kasintulad ng patak ng karayom kapag inilubog sa dagat.
O Aking mga alipin! Tanging ito ay mga gawa ninyo na Aking binibilang para sa inyo (ng walang labis at walang kulang), pagkatapos ay Aking babayaran (gagantimpalahan) ang mga ito, datapuwa’t sinumang natagpuan niya ang mabuti ay dapat purihin niya ang Allâh, at sinumang natagpuan niya ang iba dito (masama) ay wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili niya.” Iniulat ni Muslim (2577).