عَنْ أَبِي مَالِكٍ الْحَارِثِ بن عَاصِمٍ الأَشْعَرِيِّ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: ”الطَّهُورُ شَطْرُ الْإِيمَانِ، وَالْحَمْدُ لِلهِ تَمْلَأُ الْمِيزَانَ، وَسُبْحَانَ اللهِ وَالْحَمْدُ لِلهِ تَمْلَآنِ – أَوْ: تَمْلَأُ – مَا بَيْنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ، وَالصَّلَاةُ نُورٌ، وَالصَّدَقَةُ بُرْهَانٌ، وَالصَّبْرُ ضِيَاءٌ، وَالْقُرْآنُ حُجَّةٌ لَك أَوْ عَلَيْك. كُلُّ النَّاسِ يَغْدُو، فَبَائِعٌ نَفْسَهُ فَمُعْتِقُهَا أَوْ مُوبِقُهَا.“ رَوَاهُ مُسْلِمٌ223
Ayon kay Abū Mālik Al-Ḫārith na anak ni ‘Aaṣim Al-Ash‘ari (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Sinabi ng Sugo ng Allâh: “Ang kalinisan ay kalahati ng pananampalataya, at ang pagpupuri sa Allâh (pagsasabi ng alḫamdulillâh) ay pupunuin niya ang timbangan, at ang pagluluwalhati at pagpupuri sa Allâh (pagsasabi ng subḫānallâhi walḫamdulillâh) ay pupunuin nilang dalawa – o kaya’y pupunuin niya – ang pagitan ng langit at lupa, at ang pagdarasal ay liwanag, at ang kawang-gawa ay patunay, at ang pagtitiis ay ilaw, at ang Qur’ān ay katibayan para sa iyo o kaya’y laban sa iyo. Ang bawat tao ay lumalabas ng maaga, at ibinebenta niya ang kanyang sarili (para sa kaluguran ng Allâh) kung kaya’t ito ay magpapalaya sa kanya mula sa kaparusahan, o kaya’y ibinebenta niya ang kanyang sarili (para sa kaluguran ni Satanas) kung kaya’t ito ay magpapahamak sa kanya.” Iniulat ang Ḫadeeth na ito ni Muslim (223).