عَنْ أَبِي عَبْدِ اللهِ جَابِرِ بن عَبْدِ اللهِ الأَنْصَارِيِّ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا، أَنَّ رَجُلًا سَأَلَ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقَالَ: أَرَأَيْتَ إِذَا صَلَّيْتُ الْمَكْتُوبَاتِ، وَصُمْتُ رَمَضَانَ، وَأَحْلَلْتُ الْحَلَالَ، وَحَرَّمْتُ الْحَرَامَ، وَلَمْ أَزِدْ عَلَى ذَلِكَ شَيْئًا، أَأَدْخُلُ الْجَنَّةَ؟ قَالَ: ”نَعَمْ.“ رَوَاهُ مُسْلِمٌ15
Ayon kay Abū ‘Abdullâh Jābir na anak ni ‘Abdullâh Al-Anṣāri (kalugdan silang dalawa ng Allâh), katotohanang may isang lalaking nagtanong sa Sugo ng Allâh (SAW) at kanyang sinabi: Sa tingin mo ba kapag ako ay nagdarasal ng mga obligadong pagdarasal (limang beses araw-araw), at ako ay nag-ayuno sa (buwan ng) Ramaḍān, at itinuring ko ang ipinahihintulot sa paniniwalang ito ay ipinahihintulot, at iniwasan ko ang ipinagbabawal sa paniniwalang ito ay ipinagbabawal, at wala akong idadagdag dito ng kahit ano, ako ba ay makakapasok sa Paraiso? Kanyang sinabi: “Oo.” Iniulat ni Muslim (15).