عَنْ أَبِي عَمْرٍو – وَقِيلَ أَبِي عَمْرَةَ – سُفْيَانَ بن عَبْدِ اللهِ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: قُلْتُ يَا رَسُولَ اللهِ! قُلْ لِي فِي الْإِسْلَامِ قَوْلًا لَا أَسْأَلُ عَنْهُ أَحَدًا غَيْرَكَ، قَالَ: ”قُلْ آمَنْتُ بِاللهِ ثُمَّ اسْتَقِمْ.“ رَوَاهُ مُسْلِمٌ38
Ayon kay Abū ‘Amr – at may nakapagsabi na ang tawag sa kanya ay Abū ‘Amrah – Sufyān na anak ni ‘Abdullâh (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Aking sinabi, O Sugo ng Allâh! Sabihin mo sa akin ang isang salita sa Islām na hindi ko na maitatanong pa ito sa iba. Kanyang sinabi: “Sabihin mo: Ako ay nananampalataya sa Allâh pagkatapos ikaw ay maging matuwid (matatag sa relihiyon).” Iniulat ni Muslim (38).
Ang pananampalataya mo sa Allâh (SWT) ay ang paniniwala mo sa lahat ng mga nararapat mong paniwalaan tungkol sa kaisahan ng Allâh (SWT) sa Kanyang pamamahala, sa Kanyang pagka-Diyos, at sa Kanyang mga pangalan at mga katangian, ito ang tinatawag na tawḫeed.
Pagkatapos ng iyong paniniwala ay gawin mo ang iyong sarili na maging matuwid sa pagsunod na kung saan ay tahakin mo ang tuwid na landas, at huwag kang lumabas sa batas ng Islām. Kaya ang paniniwala at ang pagiging matuwid ay dito nabuo ang relihiyon.