عَنْ أَبِي العَبَّاسِ عَبْدِ اللهِ بن عَبَّاسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا قَالَ: كُنْتُ خَلْفَ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَوْمًا، فَقَالَ: ”يَا غُلَامُ! إنِّي أُعَلِّمُكَ كَلِمَاتٍ: احْفَظِ اللهَ يَحْفَظْكَ، احْفَظِ اللهَ تَجِدْهُ تُجَاهَكَ، إذَا سَأَلْتَ فَاسْأَلِ اللهَ، وَإِذَا اسْتَعَنْتَ فَاسْتَعِنْ بِاللهِ، وَاعْلَمْ أَنَّ الْأُمَّةَ لَوْ اجْتَمَعَتْ عَلَى أَنْ يَنْفَعُوكَ بِشَيْءٍ لَمْ يَنْفَعُوكَ إلَّا بِشَيْءٍ قَدْ كَتَبَهُ اللهُ لَكَ، وَإِنْ اجْتَمَعُوا عَلَى أَنْ يَضُرُّوكَ بِشَيْءٍ لَمْ يَضُرُّوكَ إلَّا بِشَيْءٍ قَدْ كَتَبَهُ اللهُ عَلَيْكَ، رُفِعَتْ الْأَقْلَامُ، وَجَفَّتِ الصُّحُفُ.“ رَوَاهُ التِّرْمِذِيُّ (2516) وَقَالَ: حَدِيثٌ حَسَنٌ صَحِيحٌ
وَفِي رِوَايَةِ غَيْرِ التِّرْمِذِيِّ: احْفَظِ اللهَ تَجِدْهُ أَمَامَكَ، تَعَرَّفْ إلَى اللهِ فِي الرَّخَاءِ يَعْرِفُكَ فِي الشِّدَّةِ، وَاعْلَمْ أَنَّ مَا أَخْطَأَكَ لَمْ يَكُنْ لِيُصِيبَكَ، وَمَا أَصَابَكَ لَمْ يَكُنْ لِيُخْطِئَكَ، وَاعْلَمْ أَنَّ النَّصْرَ مَعَ الصَّبْرِ، وَأَنَّ الْفَرَجَ مَعَ الْكَرْبِ، وَأَنَّ مَعَ الْعُسْرِ يُسْرًا
Ayon kay Abū Al-Àbbās Àbdullâh na anak ni Àbbās (kalugdan silang dalawa ng Allâh) kanyang sinabi: Isang araw ako ay nasa likuran ng Sugo ng Allâh (SAW), at kanyang sinabi:
“O batang lalaki! Katotohanang tuturuan kita ng mga kataga (salita): Ingatan mo ang Allâh (sundin ang Kanyang mga ipinag-utos at iwasan ang Kanyang mga ipinagbabawal) at ikaw ay Kanyang iingatan (kalingain), ingatan mo ang Allâh at matatagpuan mo Siya sa iyong harapan, kapag ikaw ay hihingi ay humingi ka sa Allâh, at kapag ikaw ay nangangailangan ng tulong ay humingi ka ng tulong sa Allâh, at dapat mong malaman na kung sakaling ang mga tao ay magtipon-tipon (magsama-sama) upang bigyan ka nila ng pakinabang (kabutihan) sa anumang bagay ay hindi ka nila mabibigyan ng pakinabang maliban lamang sa anumang bagay na itinakda ng Allâh para sa iyo, at kung sakaling sila ay magtipon-tipon (magsama-sama) upang bigyan ka nila ng kapinsalaan (kasiraan) sa anumang bagay ay hindi ka nila mabibigyan ng kapinsalaan maliban lamang sa anumang bagay na itinakda ng Allâh para sa iyo, naitaas na ang mga panulat at natuyo na ang mga papel.”
Iniulat ni At-Tirmidhi (2516) at sinabi niya: Mabuti at tamang Ḫadeeth.
At sa pag-uulat na iba kay At-Tirmidzi: “Ingatan mo ang Allâh at matatagpuan mo Siya sa iyong harapan, kilalanin mo ang Allâh sa panahon ng kasaganaan at kikilalanin ka Niya sa panahon ng kagipitan, at dapat mong malaman na anumang nakatakdang hindi mangyari sa iyo ay tunay na ito ay hindi mangyayari sa iyo, at anumang nakatakdang mangyari sa iyo ay tunay na ito ay mangyayari sa iyo, at dapat mong malaman na katotohanang ang tulong (tagumpay) ay kasama ng pagtitiis, at katotohanang ang kaginhawaan ay kasama ng kalungkutan, at katotohanang ang kahirapan ay kasama ng kaluwagan.”