عَنْ أَبِي عَبْدِ اللهِ النُّعْمَانِ بن بَشِيرٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ: ”إنَّ الْحَلَالَ بَيِّنٌ، وَإِنَّ الْحَرَامَ بَيِّنٌ، وَبَيْنَهُمَا أُمُورٌ مُشْتَبِهَاتٌ لَا يَعْلَمُهُنَّ كَثِيرٌ مِنَ النَّاسِ، فَمَنِ اتَّقَى الشُّبُهَاتِ فَقَدِ اسْتَبْرَأَ لِدِينِهِ وَعِرْضِهِ، وَمَنْ وَقَعَ فِي الشُّبُهَاتِ وَقَعَ فِي الْحَرَامِ، كَالرَّاعِي يَرْعَى حَوْلَ الْحِمَى يُوشِكُ أَنْ يَرْتَعَ فِيهِ، أَلَا وَإِنَّ لِكُلِّ مَلِكٍ حِمًى، أَلَّا وَإِنَّ حِمَى اللهِ مَحَارِمُهُ، أَلَا وَإِنَّ فِي الْجَسَدِ مُضْغَةً إذَا صَلُحَتْ صَلُحَ الْجَسَدُ كُلُّهُ، وَإذَا فَسَدَتْ فَسَدَ الْجَسَدُ كُلُّهُ، أَلَا وَهِيَ الْقَلْبُ.“ رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ52، وَمُسْلِمٌ1599
Ayon kay Abū Àbdullâh An-Nu’mān na anak ni Basheer (kalugdan silang dalawa ng Allâh) kanyang sinabi: Narinig ko ang Sugo ng Allâh (SAW) na nagsabi: “Katotohanang ang ḫalāl (ipinahihintulot) ay malinaw, at katotohanang ang ḫarām (ipinagbabawal) ay malinaw, at sa pagitan nilang dalawa ay mga bagay na kaduda-duda na hindi alam ng karamihan sa mga tao, datapuwa’t ang sinumang matakot (umiwas) sa mga bagay na nakakaduda ay katiyakang nakuha niya ang kawalang kasalanan sa kanyang relihiyon (sa pagitan niya sa Allâh) at ang kanyang karangalan (sa pagitan niya sa mga tao), at ang sinumang sadyang pumatol sa mga bagay na nakakaduda ay pumatol sa ḫarām, katulad ng isang pastol na namamastol sa paligid ng ḫimā (isang pribadong lugar na pag-aari ng hari na hindi ipinahihintulot na pasukin ng ibang tao at ang sinumang pumasok doon ay parurusahan) na muntik ng makapasok (makapunta) doon, walang alinlangan na ang bawat hari ay may ḫimā, walang alinlangan na ang ḫimā ng Allâh ay ang Kanyang mga ipinagbabawal, walang alinlangan na sa katawan ng tao ay may isang muḍghah (isang namuong laman na kasinlaki ng isang subo) na kapag ito ay naging mabuti ay magiging mabuti ang buong katawan, at kapag ito ay nasira ay masisira ang buong katawan, walang alinlangan na ito ay ang puso.” Iniulat ni Al-Bukhāri (52), at Muslim (1599).