عَنْ أَبِي عَبْدِ الرَّحْمَنِ عَبْدِ اللهِ بن مَسْعُودٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: حَدَّثَنَا رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ – وَهُوَ الصَّادِقُ الْمَصْدُوقُ: ”إنَّ أَحَدَكُمْ يُجْمَعُ خَلْقُهُ فِي بَطْنِ أُمِّهِ أَرْبَعِينَ يَوْمًا نُطْفَةً، ثُمَّ يَكُونُ عَلَقَةً مِثْلَ ذَلِكَ، ثُمَّ يَكُونُ مُضْغَةً مِثْلَ ذَلِكَ، ثُمَّ يُرْسَلُ إلَيْهِ الْمَلَكُ فَيَنْفُخُ فِيهِ الرُّوحَ، وَيُؤْمَرُ بِأَرْبَعِ كَلِمَاتٍ: بِكَتْبِ رِزْقِهِ، وَأَجَلِهِ، وَعَمَلِهِ، وَشَقِيٌّ أَوْ سَعِيدٌ؛ فَوَ اللهِ الَّذِي لَا إلَهَ غَيْرُهُ، إنَّ أَحَدَكُمْ لَيَعْمَلُ بِعَمَلِ أَهْلِ الْجَنَّةِ حَتَّى مَا يَكُونُ بَيْنَهُ وَبَيْنَهَا إلَّا ذِرَاعٌ فَيَسْبِقُ عَلَيْهِ الْكِتَابُ فَيَعْمَلُ بِعَمَلِ أَهْلِ النَّارِ فَيَدْخُلُهَا، وَإِنَّ أَحَدَكُمْ لَيَعْمَلُ بِعَمَلِ أَهْلِ النَّارِ حَتَّى مَا يَكُونُ بَيْنَهُ وَبَيْنَهَا إلَّا ذِرَاعٌ فَيَسْبِقُ عَلَيْهِ الْكِتَابُ فَيَعْمَلُ بِعَمَلِ أَهْلِ الْجَنَّةِ فَيَدْخُلُهَا.“ رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ3208، وَمُسْلِمٌ2643
Ayon kay Abū Àbdulraḫmān Àbdullâh na anak ni Mas’òud (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Ikinuwento sa amin ng Sugo ng Allâh (SAW) – na siya ay matapat na mapaniniwalaan: “Katotohanang ang pagkakalikha sa isa sa inyo ay iniipon sa tiyan (sinapupunan) ng kanyang ina sa loob ng apatnapung araw na nuṭfah (isang tamud o magkahalong semilya ng lalaki at babae), pagkatapos ay naging àlaqah (isang namuong dugo na naninigas) sa ganoon ding katagal na araw, pagkatapos ay naging muḍghah (isang namuong laman na kasinglaki ng isang subo) sa ganoon ding katagal na araw, pagkatapos ay ipapadala sa kanya ang Anghel upang iihip sa kanya ang kaluluwa, at pag-uutusan ng apat na kataga: Upang isulat ang kanyang ikabubuhay (biyaya), at ang tagal ng kanyang buhay (edad), at ang kanyang gawa, at kung siya ba ay masaya o kaya’y malungkot; At sumpa man sa Allâh na walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Kanya, katotohanang mayroong isa sa inyo na gagawa ng kasintulad ng gawain ng taong makakapasok sa Paraiso hanggang sa walang magiging hadlang sa pagitan niya at pagitan nito (Paraiso) maliban sa kasinghaba ng dhirā’ (isang bisig) at maunahan siya ng kasulatan na kung saan siya ay gagawa ng kasintulad ng gawain ng taong makakapasok sa Impiyerno kung kaya’t siya ay makakapasok doon. At katotohanang mayroong isa sa inyo na gagawa ng kasintulad ng gawain ng taong makakapasok sa Impiyerno hanggang sa walang magiging hadlang sa pagitan niya at pagitan nito (Impiyerno) maliban sa kasinghaba ng dhirā’ (isang bisig) at maunahan siya ng kasulatan na kung saan siya ay gagawa ng kasintulad ng gawain ng taong makakapasok sa Paraiso kung kaya’t siya ay makakapasok doon.” Iniulat ni Al-Bukhāri (3208), at Muslim (2643).