1– Tanging Ang Mga Gawa Ay Nakabatay Sa Mga Layunin

paglakbay

عَنْ أَمِيرِ الْمُؤْمِنِينَ أَبِي حَفْصٍ عُمَرَ بن الْخَطَّابِ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ: ”إنَّمَا الْأَعْمَالُ بِالنِّيَّاتِ، وَإِنَّمَا لِكُلِّ امْرِئٍ مَا نَوَى، فَمَنْ كَانَتْ هِجْرَتُهُ إلَى اللهِ وَرَسُولِهِ فَهِجْرَتُهُ إلَى اللهِ وَرَسُولِهِ، وَمَنْ كَانَتْ هِجْرَتُهُ لِدُنْيَا يُصِيبُهَا أَوِ امْرَأَةٍ يَنْكِحُهَا فَهِجْرَتُهُ إلَى مَا هَاجَرَ إلَيْهِ.“ رَوَاهُ إِمَامَا الْمُحَدِّثِينَ: أَبُو عَبْد اللهِ مُحَمَّد بن إِسْمَاعِيل بن إِبْرَاهِيم بن الْمُغِيرَة بن بَرْدِزْبَه الْبُخَارِيّ (1)، وَأَبُو الْحُسَيْنِ مُسْلِم بن الْحَجَّاجِ بن مُسْلِم الْقُشَيْرِيّ النَّيْسَابُورِيّ (1907) فِي صَحِيحَيْهِمَا اللَّذَيْنِ هُمَا أَصَحُّ الْكُتُبِ الْمُصَنَّفَةِ

Ayon sa pinuno ng mga mananampalataya Abū Ḫafs Òmar na anak ni Al-Khaṭṭāb (kalugdan siya ng Allâh) kanyang sinabi: Narinig ko ang Sugo ng Allâh (SAW) na nagsasabi: “Tanging ang mga gawa ay nakabatay sa mga layunin, at tanging ang bawat tao ay hahatulan ayon sa kanyang naging layunin, datapuwa’t ang sinumang naglakbay tungo sa Allâh at sa Kanyang Sugo ay ang kanyang paglakbay ay tungo sa Allâh at sa Kanyang Sugo, at ang sinumang naglakbay para sa makamundong bagay na gusto niyang makamtan o kaya’y para sa isang babaeng gusto niyang pakasalan ay ang kanyang paglakbay ay ayon sa kanyang layunin sa paglalakbay.” Iniulat ng dalawang Imām sa pamantasan ng Ḫadeeth: Abū Àbdullâh Muḫammad na anak ni Imāѐel na anak ni Ibrāheem na anak ni Al-Mugheerah na anak ni Bardizbah Al-Bukhāri (1), at si Abulḫusayn na anak ni Muslim na anak ni Al-Ḫajjāj na anak ni Muslim Al-Qushayri An-Naysābūri (1907) sa kanilang dalawang Ṣaḫeeh (tamang Ḫadeeth) na kung saan ay dalawa ito ang pinakatama sa mga naitalang aklat.

Bilang pagpapaliwanag sa Ḫadeeth na ito:

إنَّمَا الأعْمَالُ بِالنِّيَّاتِ

“Tanging ang mga gawa ay nakabatay ayon sa layunin” – Ang ibig sabihin nito ay ang mga gawa ng sinumang tao ay magiging mabuti o katanggap-tanggap ito ayon sa kanyang layunin, at magiging masama o hindi katanggap-tanggap naman ito ayon sa kanyang layunin. Ang mga gawa na tinitukoy dito ay ang mga gawaing ukol sa batas ng Islām, katulad ng Ṣalāh (pagdarasal), Zakāh (pagbibigay ng katungkulang kawang-gawa), Ṣawm (pag-aayuno), Ḥajj (paglalakbay sa Makkah) at iba pa. Subalit ang mga gawain naman na tulad halimbawa ng paglilinis o pagtanggal ng mga dumi ay hindi na kinailangan ang layunin.

وَإِنَّمَا لِكُلِّ امْرِئٍ مَا نَوَى

“at tanging ang bawat tao ay hahatulan ayon sa anumang kanyang naging layunin” – Ang ibig sabihin nito ay matatamo lamang ng bawat tao ang gantimpala ng kanyang ginawa ayon sa kanyang naging layunin, kung kaya’t kinakailangan ang layunin sapagkat ang layunin ang siyang nagpapabuti sa mga gawa, at kapag nahaluan ang mga gawa ng masamang layunin katulad ng Riyā (pakitang-tao) ay mawawalan ito ng saysay. Halimbawa ng pagdarasal kung saan nagdarasal ang sinumang tao bilang pakitang-tao lamang at hindi para sa Allâh ay ang kanyang pagdarasal ay walang say-say.

فَمَنْ كَانَتْ هِجْرَتُهُ إلَى اللهِ وَرَسُولِهِ فَهِجْرَتُهُ إلَى اللهِ وَرَسُولِهِ

“Kaya’t ang sinumang naglakbay para sa Allǎh at sa Kanyang Sugo, ang kanyang paglakbay ay para sa Allâh at sa Kanyang Sugo” – Ang ibig sabihin nito ay ang sinumang iiwan niya ang isang pook na kung saan ang mga gawain dito ay masasama o pagtatambal sa Allâh at pumunta siya sa isang pook na kung saan pinatutupad dito ang Islām, na ang kanyang paglakbay ay alang-alang sa Allâh at sa Kanyang Sugo kung saan hangad niyang magkaroon ng gantimpala ay ang kanyang paglakbay ay para sa Allâh at sa Kanyang Sugo kaya’t matamo niya ang gantimpala.

وَمَنْ كَانَتْ هِجْرَتُهُ لِدُنْيَا يُصِيبُهَا أَوْ امْرَأَةٍ يَنْكِحُهَا فَهِجْرَتُهُ إلَى مَا هَاجَرَ إلَيْهِ

“at ang sinumang maglakbay para sa makamundong bagay na gusto niyang makamtan o isang babaeng gusto niyang pakasalan, ang kanyang paglakbay ay ayon sa anumang kanyang layunin sa paglalakbay” – Ang ibig sabihin nito ay ang sinumang pumunta sa ibang pook na ang hangad niya ay para kumita ng salapi katulad ng isang nangangalakal, o kaya’y pumunta sa ibang pook para magpakasal sa isang babae, ang kanyang pagpunta ay ayon sa kanyang sariling layunin bagama’t hindi niya matatamo ang gantimpala. Tanging ang Allâh lamang ang higit na nakakaalam.

Related Post